30 [FINALE]

409 11 2
                                    

"Just wait until the right one comes along, God's going to blow out your mind with a love, you never knew existed; but knew you always deserve." - ❤

*

Nandito ako sa may counter ng bagong tayong restaurant na ito. Inilibot ko ang paningin ko. Nasa second floor ako. May dalawang mahabang table dito, good for 8 per table. Tapos may anim na round table, good for 4 per table.

Gaya ng napag kasunduan namin ni Uzzi noon, ang kulay ng restaurant na ito ay may touch of gold, black and silver.

Nakangiti ako. Tinungo ko ang bintana. Fully Air-conditioned ang shop kaya't sarado ang mga bintana.

Pero binuksan ko ito, kaya't nang pumasok ang hangin ay dinala ang buhok ko. Humahaba na ang buhok ko ah? Sabagay ay bagay naman sa akin kaya hinahayaan ko lang.

Tinanaw ko ang labas. Mula dito ay nakikita ko ang tore ng Kapilya. Dalawang street lang ang pagitan nito mula sa Cleobella's, same street ang kapilya at Cleobella's pero kapilya lang ang natatanaw ko mula dito.

Hays, dalawang linggo na ang lumipas mula noong huli kong nakausap si Uzzi. Miss na miss ko na siya.

Ang hirap din. Na hanggang ngayon ay hindi parin niya ako naaalala. Pero dinadaan ko nalang talaga sa panalangin. Hindi ko kasi talaga kinakaya. Kahinaan ko siya. Kaya kailangan ko na palakasin akong lagi ng Ama.

Kaya, lagi lang akong nagpapanata.

Namimiss ko na na mabasa ang pangalan niya sa phone ko. Namimiss ko na na marinig ang boses niya sa call. Namimiss ko na ang pakiramdam na kasama siya! hayss.

Waaaaahh! Ayan nanaman, lumilipad nanaman isip ko pag siya naaalala. Umiling ako ng madaming beses.

Madami ka pang aasikasuhin, Bella. Put yourself together!

Naglakad ako palapit sa may hagdan. Tumambad sa akin ang mga paintings ng mga PNK. Inilagay namin sa frame. Apat lahat. Naitago ko kasi yan matapos ang PNK PAINTING sa lokal namin noon.

Dahan dahan akong naglalakad pababa ng hagdan para mapagmasdan ko ang mga paintings. Hindi gano'n kapulido ang mga ito pero dahil alam mong ginawa 'yan ng mga bata para sa pakikipag kaisa sa pamamahala at pagbibigay kaluguran sa Ama ay matutuwa ka talagang tignan.

Hindi gawa ng mga kilalang artists pero gawa naman ng mga munting lingkod ng Diyos.

Ang sarap din naman sa mata eh!

Proud na proud talaga ako sa mga nasa PNK na sakop ko!

Nakangiti akong bumaba sa main floor. Isang mahabang table ang narito na good for 8 at tatlong squared table na good for 6 persons.

Ang okay din ng counter, mas malaki ito compared doon sa counter sa itaas. Kasi syempre dito, may mga idi- display na sweets from Lincoln's.

Well yes, one representative from Lincoln's chocolate manufacturing company ay nakakausap ko about this business. Walang maalala si Uzzi, pero may contract naman eh. So tinuloy namin itong pagpapatayo.

And praise God! Natapos din!

Wala pang tao dito sa loob, tomorrow pa ang grand opening. Nakaayos naman na ang lahat para bukas. Finalising nalang mamaya, pupunta si Engr. Santos dito with the event organiser. Sinilip ko ang wrist watch ko, it's 12:30 in the afternoon. May lunch ako mamayang 1 with Mr. Olivo, yung representative ng Lincoln's.

So, eto naglakad na ako palabas. Ila-lock ko na sana ang glass door sa labas nang makita ko ang kotse ni Engr. Santos. At siya mismo. May kausap siya sa phone, at halatang seryoso ang usapan nila nung nasa kabilang linya. Pero bigla siyang natawa bago niya ibaba.

B-e-a-utiful (COMPLETED) Where stories live. Discover now