13

177 6 0
                                    


After 10 minutes ay nakarating na siya. Sakay siya ng kaniyang auto. Ibinaba niya ang bintana ng kotse niya tapos kinawayan ako.

Tumayo ako ng matuwid tapos naglakad palapit doon.

"Halika na, Bella.." Aniya, ngiting-ngiti siya.

Ngumiti din ako bago kumunot ang noo.

What's that? Lagi nalang siyang gano'n. Kapag kadarating niya or kakikita niya lang sa'ken, yung mata niya parang gagala mula ulo hanggang paa ko. Parang ini-scan niya parati tapos biglang ngingitian ako.

Pag pasok ko sa loob ng kotse ay sinalubong ako ng mabangong amoy niya.

Ugh!! The ambiance!!

"Good Morning!" Bati niya. Hindi pa niya inaandar ang kotse.

Nahihiya akong tumingin. Kasi nga feeling ko ang panget ko. "Good morning!"

"Sa'n tayo?" Tanong niya.

"Huh? Diba may kikitain ka kamo?"

"I mean, after that? Madali lang iyon pirmahan lang ng contract. Mag wo-work kasi siya with me. Doon sa branch ng Lincoln's sa School. Siya tatayong branch manager. Hindi ko nga alam kung bakit siya nag volunteer sa maliit na naming branch. Eh ang ganda ng position niya sa main branch sa manila."

Tumango lang ako.

"Pero okay lang. Magaling iyon. Kaya niyang i handle ng maayos ang bagong branch namin. So saan nga tayo after?"

"Hmmm? Ikaw?"

"Diba mag go-grocery ka?"

"Oo."

"Later ka na mag grocery, may pupuntahan tayo after ng meeting ko." Aniya.

"Sige. Sige." Sagot ko. Tuwang tuwa naman ako! Kasi... Hala ewan!!

"Basta, sumama ka lang sa'kin." Pagka sabi niya no'n ay ngumiti ako lalo.

"Nako Bella, Huwag kang ngingiti ng ganyan!" Aniya bago pinaandar ang kotse.

At dahil sa sinabi niya nahiya ako at talagang naapektuhan. Di ko nalang pinahalata. Tumingin ako sa gilid ko at isinandal ang ulo ko sa bintana ng kotse. Kaonti palang ang tao at sasakyan dito. Sarado pa ang mall eh. Maaga aga pa.

Nakikita ko ngayon mula sa windshield ng kotseng ito ang imahe ng dalawang tao na nag-uusap. Nasa first floor sila ng jollibee. At oo, nakikita ko sila.

Hindi na kasi ako nagpababa dito sa kotse. Syempre, alangan namang bababa ako. Nag stay nalang ako dito. Hihintayin ko nalang si Uzzi.

Naloka lang ako. Kasi yung kausap ngayon ni Uzzi, siya yung nakasabay ko sa rest room kanina. Yung pula ang labi.. Na maganda.

Aw!

Naalala ko yung sinabi ni Uzzi kanina.

"Magaling iyon..."

"Magaling iyon..."

"Magaling iyon..."

Umiling ako ng tatlong beses. At bakit nag e-echo sa tainga ko ang sinabi niyang iyon?

Ugh! Whatever!

Kinuha ko nalang ang cellphone ko. Nakita kong bakante ang cord ng speaker kaya isinaksak ko ito sa cellphone ko. Kumalat naman sa loob ng kotse ang Music.

Pumikit ako bago dinama ang tugtog.

Hindi ko alam pero napaluha nanaman ako. Sakit ko ba 'to? Makarinig lang ng kantang malungkot iiyak na?

B-e-a-utiful (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon