10

211 9 0
                                    


"Napapansin ko, you don't give reactions sa mga kinakain mo. I mean, as an owner of a restaurant, diba usually.. Dapat.. May mga side comments ka sa mga foods na natitikman mo sa other restaurants na navi-visit mo?"

Nakatingin siya sa akin at hinihintay ang magiging sagot ko.

Tumigil ako sa pag nguya at pinunasan ko ang bibig ko gamit ang napkin na nasa mesa.

"To be honest with you.. I don't cook. Wala kong talent pagdating sa pagkain. Funny right? I owned a restaurant pero gano'n eh."

Itinuloy ko ang pag kain. Nasa isang italian restaurant kami. Kaya naman pasta ang aming kinakain.

Minabuti naming kumain muna bago ang usapin.

"Masarap. Ugh! Yun lang talaga nagiging reaksyon ko tuwing kumakain ako. Either masarap o hindi masarap. Yun lang."

"You're cute tho."

Nangiti lang ako sa sinabi niya. Sanay naman akong marinig ang mga ganyan.

Wag lang yung you-know-what.

"Thanks." Sagot ko.

"I love you, Bella."

Sabing wag yung ganyan eh.

"Uzzi..."

"Oppss, sorry. Nasasabi ko lang bigla."

"Alam mo, kumain ka na muna, tapos mamaya mag pirmahan na tayo ng kontrata."

"Excited ka sa business natin together??" Pangangasar niya.

"Oo. Pera yun eh." Sabi ko sabay kagat sa meatball, tapos.. Kinindatan ko siya.

"Woah! Did you just... wink?"

Uh oh. Nasanay lang ako na kapag nagbibiro, kumikindat.

"Don't make it a big deal, man." Sabi ko.

Humalakhak siya kaya naman kinailangan niyang uminom ng tubig.

"Yeah, I'm a man, not a boy. Patutunayan ko 'yan sa'yo."

"Bakit? Para sa'yo, ano ba ang pagkakaiba ng boy sa man?" Tanong ko.

"Habang kasama mo ako hahayaan kong makita mo kung pano ang isang Man, samantalang yung Boy? Yun yung mga imahe ng ibang lalake na nasa isip mo kung bakit takot kang ma fall agad agad. Patutunayan ko sa'yo kung ano ang pinagkaiba nyan."

"Talaga ba?"

"Yes, ma'am!" Aniya sabay saludo pa. Nakita ko naman ang mga ngipin niyang pantay pantay at mapuputi nang napangiti siya.

Bakit gano'n? Kaya niyang pag sama samahin yung pagiging kwela, seryoso at gwapo na maganda ang kinalalabasan. He's just.. Incredible and attractive.

Plus the height!

Mahal ba talaga niya ako? Why? Maraming mas magaganda dyan, mas masisigla. Why me?

Kung kami talaga sa future.. Sobrang biyaya naman ito.

"Bella, why are you suddenly staring at me?"

Kumurap ako. Okay. Let's voice it out. "I'm just trying to figure out why and how did I caught your attention."

"Bella, you're effortlessly so attractive in many ways."

Uh?

"You're too sweet. Feeling ko sa umpisa lang 'yan. I mean, biglaan lang ang lahat."

"Ewan eh? Bigla ko nalang naramdaman kasi."

"Pano kung hindi pala love 'yan?"

Nabigla ako nang tumayo siya, tiningala ko siya. He's on his serious aura.

B-e-a-utiful (COMPLETED) Where stories live. Discover now