06

348 10 0
                                    


After that getting to know each other meeting last Tuesday, naging madalas ang pagkikita namin ni Uzzi. Nakumpleto namin ang isang linggo halos na araw-araw nagkikita.

Yeah, we're close na 'cause I'm calling him na with his nickname which is Uzzi, vice versa. Sobrang daming kwentuhan. Marami pala kaming pagkakapareho, sa perceptions, dreams, etcetera. Kaya madali kaming nagkagaanan ng loob, I mean, we're so comfortable na with each other agad.

Linggo ngayon and nandito ako sa kalihiman ng lokal. Done with my weekly reports, as a Pangulo ng PNK.

"Baka naman may gusto na sa'yo." Ani Gia.

Nandito din siya eh. Para lang makipag kwentuhan! Syempre.. Bout kay Uzzi.

Nasa harap ko siya ngayon. Nakaupo. Ako naman nakatayo na at tapos na akong gumawa ng ulatan, hawak ko ang folder at nag fa-file na ako ng mga duplicates.

"Ayokong isipin ang ganyan." Sabi ko.

"Sus!! Kilala kita, kung ibang lalake 'yan di ka naman papayag na makipag chikahan ng araw-araw!"

Napa isip ako do'n. Oo nga eh. I'm too obvious pagdating do'n. Kasi totoo, hindi naman ako malapit sa mga lalake. Yeah I do have guy friends, pero di ko naman ka close masyado. Hindi ako gaya ng ibang babae na kayang tumambay o makipag kwentuhan with boys. Well, pag marami kami, kaya ko.

Actually I do admire those girls na may boy best friends. Kasi di ko kayang maging kagaya nila.

I mean, naninibago ako sa sarili ko ngayon 'cause I'm letting myself to be with.. A guy. Na kaming dalawa lang.

"Dating ka na pala ngayon ah?" Ani Gia uli.

Umirap ako, "Luh! Di ah!"

"Anong tawag mo do'n?"

"I don't know the right term to use, basta hindi date yon. Just.. I dunno, we meet to talk about anything and everything."

"Date nga 'yon! Bakit, mag kaibigan ba kayo? Mag pinsan ba kayo?"

"No. But dating is for two people that like each other."

"Tama ka naman dyan. You people like each other."

Isinara ko ang folder dahil tapos na akong nag file.

"Bakit ba pinipilit mo Gia? Ha?"

"Wala lang. I'm shipping for you both!!" Aniyang tuwang tuwa.

Humalakhak din ako, "Tologo bo?"

Ewan, ayokong aminin.. pero totoo.. I'm starting to believe na may something nga. Whether I like him or he like me, or we like each other. Things like that are running through my mind these days.

Like.. Pano kung nag level up kami to something na very kadiwa?

Like, you know...

"Basta, ngayon palang kinikilig na ako! Malay mo naman bes, siya na yung sagot ng Ama sa mga panata mo."

Hindi ako sumagot. Isinara ko ang ballpen ko, i mean ibinalik ko yung takip. Tapos naman na akong magsulat eh.

Sagot sa panata? Oo, nagpapanata ako patungkol sa bagay na yon. Syempre, kahit naman wala ka pang balak mag boyfriend o mag-asawa, kailangan mo ng banggitin sa bawat panalangin mo yun. Sabihin mo na sa Ama kung ano yung mga katangian na gusto mo, kailan mo gusto ibigay, things like that.

"Hindi ko naisip na ganito kaaga ibibigay yun ng Ama. I mean, basta! Feeling ko I'm too young."

"Too young? Eh yung mga kaka eighteen nga gusto ng jumowa agad. Atat na atat mag kadiwa, kasi legal ng umudang eh."

B-e-a-utiful (COMPLETED) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum