24

165 6 0
                                    

Kung noon ay ayokong marinig kay Uzzi ang kung anu-anong sweet o mapanglinlang sa puso na mga salita. Gaya ng I like you, I love you, I miss you, you're cute, you're pretty, you're beautiful and such...

Ngayon ay parang hinahanap hanap ko na ito.

At kung noon ay ayoko pang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko... ngayon ay parang gustong gusto ko.

I mean, hindi parang. GUSTO KO NA TALAGA!

Sapat naman na siguro yung ilang linggong pag e-effort niyang ipakita sa family ko na mahal niya ko.

Ugh! Oo na. I'm having this thought na sagutin na siya.

Gusto ko kami na.

Gusto ko yung sigurado na.

Kasi ugh, oo na.. Mahal na mahal ko na siya.

I don't effin care kung isipin man ng iba ang gaya ng iniisip ko dati na SOBRANG BILIS. IT'S FREAKING WAY TOO FAAAAAST!

Yes, ala na akong pakialam. Ang mahalaga, ay ALAM NG DIYOS ang mga pinag daanan namin ni Uzzi.

At oo, sa tulong ng Ama.. Nararamdaman kong parang connected sakaniya ang mga panalangin ko.

Kaya kapag natupad yung sign na hiningi ko. Sasagutin ko na siya.

Siguro hmm, pang 8th sign ito na matutupad kung sakali...

Na kapag tinanong niya ako sa dinner mamaya, if I want to be his girlfriend.. Ay sasagot na ako ng matamis na "oo".

"Sa amin ka ba sasabay papuntang panata ngayon, Bella?" Tanong ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

Naka lock kasi nag pinto nito at naligo ako kanina pagka galing sa trabaho.

"Yes ma!" Tugon ko.

"Okay.. We'll leave in 3 minutes." Aniya.

"Okay po!"

Pagka daan ko sa mirror at nakita kong okay naman ang ayos ko ay lumiwanag ang mukha ko.

Nakasuot ako ng peach top, naka tacked in sa black palda na abot sakong ang haba. Bagsak ito, hindi cocktail. Kaya bagay naman. May nakasabit din na sling bag na kulay peach sa balikat ko. Glittered ito kaya maganda sa gabi. Tapos flat sandals lang na kulay black ang footwear ko.

Nakita kong humahaba na ang buhok ko. Balak kong mag salon this week. And balak kong si Uzzi ang papiliin ng magiging new hairstyle ko.

Aaaahhhh!! Bakit ako nagkakaroon ng mga ganitong isipaaaaan?! Why?!

"Bella! Tara na!" Rinig kong tawag ni mama.

Hindi ko nasilayan si Uzzi bago ako pumasok dito sa loob ng kapilya. Pero nang matapos akong manalangin o magbulay-bulay ay inilibot ko ang paningin ko sa gawi ng mga lalake. At nakita ko siya doon sa may bandang hulihan. Kadarating siguro. Sandali ko lang siyang tinignan. Nakapikit siya at nakayuko. Nananalangin.

Napangiti ako bago ako yumuko. Pumikit akong muli para sabihin sa Ama na masaya akong nakita si Uzzi ngayon. Nagpasalamat ako dahil pinahintulutan niyang makita ko si Uzzi.

Oo na. Bukambibig ko na sa panalangin si Uzzi.

Hindi ko alam eh? Basta bigla.. Laman na siya ng prayers ko.

Nang matapos ang Panata ay lumabas na ako. Napansin ko si Nikki na lumabas din.

Nginitian niya ako nang makita niya ako. Napahinto ako sa kinatatayuan ko. At ewan, gusto ko siyang lapitan.

Mabuti nalang, at siya ang lumapit.

Nandito kami sa may gilid. Sa may mga halaman.

Kinawayan nalang ako nina mama at papa maging nung dalawa kong kapatid nang makita nila ako. Nagpaalam naman kasi ako na kay Uzzi ako sasabay dahil nga may dinner date kami.

B-e-a-utiful (COMPLETED) Where stories live. Discover now