23

167 6 0
                                    

Back to work na ako ulit. Nakatitig ako ngayon sa picture frame na nasa ibabaw ng table ko. Nakaupo kasi ako dito sa office ko. Kagagaling ko doon sa itaas nag muni muni, well oo, di ko parin inaaalis yung ugaling yun.

Kababalik ko lang nga dito sa office ko.

Picture namin ni Uzziah ang nasa frame. Nakakaloka!

Collage ito!

Isa noong katatapos ng tupad namin pareho bilang mang-aawit, nakatayo kami. Wholebody. Same kaming nakatoga, at bit bit namin sa aming mga kamay ang aming mga clearbook.

Yung pangalawa, selfie namin noong PNK day sa restau. Nagkaroon din kasi ng photobooth noon.

Yung pangatlo, picture namin na nakaupo sa jacket niya doon sa parke de familia, naka akbay siya sa akin tapos same kaming naka piece sign.

Then yung pang apat, stolen shot naming dalawa noong panata nung isang gabi. Si Gevan ang kumuha nito. Saktong magkahawak kami ng kamay na papasok sa gate ng kapilya. Nakita din ang kapilya, kaya maganda ito para sa akin.

Haysss.. I need more memories with him.

Iba pala talaga pag kinunan mo ng larawan yung mahahalagang ala-ala eh 'no?

Dati hindi ko naiintindihan ba't may mga taong mahilig mag picture-picture.

Now I know.

Kahit pa selfie iyan or groupie, there's a deep meaning behind those pictures, now I know.

Ako kasi, ang laman lang halos ng gallery ko ay ilang family pictures lang then panay saved photos from facebook. Mga nagustuhan kong quotes or cute pictures gano'n.

Ni halos hindi nga ako nag se-selfie eh.

Ngayon, naiintindihan ko na.

And ngayon, mag se-selfie na ako pag may mga kaganapan, pero syempre kasama nung taong espesyal na sa buhay ko.

I want to treasure every moment we will have.

Hinawakan ko ang frame.

Idinikit ko ang hintuturo ko sa mukha ni Uzzi. I miss his face!

Sabay daw kaming mag di-dinner mamaya after ng panata eh.

Hmmm.

"Ma'am Bella!"

Nagulat ako doon. Kaya't natabig ko yung picture frame. Nahulog ito sa sahig at.. Nabasag ang salamin nito.

"Hala, ma'am sorry po!" Si Nica ito.

"No.. No, it's okay." Sabi ko.

Pero agad akong yumuko sa sahig para abutin yung litrato.

Mabuti't hindi nagasgasan ng bubog.

"Lilinisin ko nalang po ito ma'am Bella." Ani Nica.

Ngumiti ako bago tumango..

"Sandali lang po kukuha ako ng walis at dustpan." Aniya tapos dali-daling lumabas ng office.

Half open din nag pintong iniwan niya.

Tinignan kong muli ang picture. And, I don't know..

Pero bigla akong kinabahan.

I mean, ewan! Nagulat siguro kasi talaga ako doon kay Nica kanina.

Lub dub.. Lub dub.. Lub dub..

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Bumalik si Nica na may dala ngang walis at dustpan. Inumpisahan niyang dakutin ang kalat sa sahig..

B-e-a-utiful (COMPLETED) Where stories live. Discover now