08

253 10 0
                                    


Nandito ako sa restaurant. Sa taas. Because it's just 12 in the afternoon. Time for my senti senti mode.

But this time, hindi na ako nakikinig ng mga sad love songs. Wala lang. Binabago ko na ang sarili ko. Gusto ko na yung tahimik lang. Mag iisip isip lang.

Saka, ginagawa lang negatibo ng mga ganong kanta ang pananaw ko sa love.

Wait? So nagiging positibo na ko ngayon sa love?

Umiling iling ako nang may biglang may naaninag akong isang mukha na dumaan sa utak ko.

Bakit yuuuuuuuuun?!

Nakatanaw ako sa bintana, nakikita ko ang mga dumadaang sasakyan sa may high way. Woah? Padami na ng padami ang tao dito. Salamat sa Ama, naaapektuhan itong negosyo ko, madami rin kasing nadadagdag sa bilang ng mga nagiging customer ko sa bawat araw.

Tinalikuran ko ang bintana atsaka naglakad patungo sa hagdan.

"Ma'am!"

Nalingon ko yung tumawag sa akin. It's Karl.

"Oh?" Sabi ko saka ko tuluyang umalis sa hagdan at nakababa.

"Meron pong naghahanap sa inyo."

"Sino?"

"Si Mr. Lincoln po. Nandun po siya sa office ninyo."

"Kelan pa siya nando'n?"

"Kadarating lang din naman po. Sinabi ko pong nasa taas kayo at hindi pwedeng istorbohin ng gantong oras eh. Kaya maghihintay nalang daw po siya doon sa office niyo."

Tumango ako, "Ah gano'n ba."

Hinawi ko ang buhok ko sabay inalala kung malinis ba ang mesa ko doon ngayon.

"Mukhang napapadalas po yata si Mr. Lincoln ma'am ah?"

Umubo ako, "Ah.. Oo. About that, project."

"Sige po ma'am, baka naiinip na po iyon doon." Saka siya umalis sa harap ko at bumalik sa kaniyang trabaho.

Ako naman, nagmadaling tumungo sa office ko. Agad kong tinulak ang pinto dahil half open ito. Nakita ko si Uzzi na nakatayo sa may bintana at nakasilip sa labas. Nakasuot siya ng cream colored long sleeve polo, naka tacked in ito sa black pants at naka white sketchers siya. Nakapamulsa ang kanang kamay niya, may suot itong gold tone watch. Samantalang ang kaliwa niyang kamay ay nakaalalay sa kurtina. Ang classy niyang tignan kahit nakatalikod, kulay gold ang kurtina ko dito eh. Bagay siya doon.

Napabungisngis ako. At dahil doon, lumingon siya sa dako ko.

"Hey..." Aniya. Malambing ang pagkakasabi niya.

Ako naman, umayos ng tayo atsaka tuluyang isinara ang pinto. "Oh, what brings you here at this hour?"

Naglakad ako papunta sa upuan ko. Sinulyapan ko ang mesa ko, wala namang kalat doon maliban sa pinag-inuman ko ng milk shake. At ang patong patong na dokumentong kailangan kong review-hin at tapusin hanggang bukas. Dahil sa mga susunod na linggo, hindi ako makakabisita madalas dito sa office. Magpapaka busy ako sa kapilya.

"Wala naman. Did you have your lunch?"

Umiling ako. Tapos umupo. Itinuro ko ang upuan sa tapat ko. "Be seated."

Hindi siya umupo. Instead, tumayo lang siya sa harap ko. Nakatingala ako sakaniya.

"Lunch tayo?" Sabi niya.

Kumurap-kurap ako, "Uzzi. Ikaw haaaa..."

Napangiti siya, "Whyyy?"

"Wala! Just.. Why are you offering me a lunch with you?"

B-e-a-utiful (COMPLETED) Where stories live. Discover now