16

184 5 1
                                    


Nakaharap kaming Lima sa hapag. Ako, si Gevan, si Geoff, si Papa at si Mama.
Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. Maging ang mga kubyertos. Lahat na. All is ready ika nga.

"Hindi naman tayo mukhang excited ma, ha?" Sabi ko.

Nagtinginan muna kaming lahat bago nagtawanan kaming lahat.

"Aba anak! Nung ako dati, noong unang punta ko sa bahay ng mama mo to meet your lolo and lola, kulang nalang magpa letson sila eh!" Ani papa.

"Aba syempre, gano'n kami ka responsable noon ng mama at papa." Sagot naman ni mama.

Nangingiti nalang kaming magkakapatid.

Etong mga ito, hindi pa kilala na si Uzziah ang pupunta dito. Hay nako, ano kayang magiging reaksyon nila?

"May isa pa palang transferee na mang-aawit maliban kay kuya Uzziah?" Ani Gevan.

"Alam ko isa lang niya eh." Ani Geoff. Kalihim kasi ito.

Bigla akong inubo doon.

"Pero diba ate, mang-aawit din yung pupunta dito? Sa lokal ba talaga natin nakatala?" Ani Gevan.

Tumango tango ako, "Oo!"

"Wait lang Bella ha.." Sabi ni mama na parang nag iisip isip.

Lumunok ako. "P-po?"

"Don't tell me..."  Si mama lumalaki na ang mata.  "Is it --" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil may nag door bell na.

And nag ring na din ang cellphone ko.

Tumatawag si Uzzi.

Sinagot ko ito bago ako tumayo. Nakadikit na sa tainga ko ang cellphone ko.

"Bella, I'm here.." Rinig kong sabi ni Uzzi.

Di ako agad sumagot. Bagkus, tinignan ko si mama. I wanna see her reaction.

"Yes, Uzzi?" Pagkabanggit ko nyan, naglakihan ang mga mata nitong mga ito. Well, maliban kay papa na chill lang.

"I'm here na."

"Yes, palabas na ako."

Sinenyasan ako ni mama nang

"Go na!"

Kaya naman, naglakad na ako papunta kay Uzzi na nasa labas na ng bahay namin.

Pinatay ko ang tawag, natutuwa ako. Halatang masaya ang pamilya ko.

Isa ito sa sagot sa panata ko, isang senyales na hiningi ko sa Ama yung sila yung unang-unang matutuwa kapag pinakilala ko na yung taong bibigyan ko ng chance para mahalin ako.

Tinignan ko muna ang sarili ko nang matapat ako sa gate na sarado. Nakasuot ako ng dress na kulay pink, off shoulder ito. Naka slippers ako na kulay puti na may fur fur.

I look okay naman daw sabi ni mama kanina. Same kaming naka dress eh. Hahahhahah!

Bakit ba?

Nang buksan ko ang gate ay bumungad sa akin ang isang Uzziah Lincoln na nakasuot ng stripes polo na kulay pink at white. Naka tacked in sa black pants at siya'y naka black shoes.

May bitbit siyang dalawang bouquet. Nasa kaliwang kamay niya. Ang isa ay panay... GREEN ROSES?! Tapos ang isa ay panay... RED ROSES?!

Green?! May ganyaaaaaan sa earth?!

May mga bitbit din siyang paper bags at isang box of cake.

At ang.. Amp. Napunta ko sa mukha niya. NAPAKA POGI!!!

B-e-a-utiful (COMPLETED) Where stories live. Discover now