22

156 6 0
                                    


Nakalatag ang jacket ni Uzzi sa damuhan. Dito kami umupo. Nasa harap namin ang snacks na binili niya. Ang iba ay bukas na.

Okay lang naman kahit na walang sapin sana, kasi malinis ang damo, pero kasi naka puti akong dress... Okay lang kung de color.

"Uzzi, mag kwento ka.." Sabi ko.

Ang sarap ng hangin dito.

Kita kong pumulot muna siya ng chips sa hawak niyang piatos. Tapos kinain ito bago sumagot.

"About saan ba?"

"Hmmm, nabanggit mo diba nung nagkwentuhan tayo nung una palang, na isa nalang ang kidney mo.."

Tumango siya, "Yes."

Hinahangin ang buhok niya. Ang fresh niyang tignan!

"Anong nangyari? Hindi ko kasi naitanong noon diba.."

"Si Nikki, nagka kidney failure nung 17 years old kami. And match kami eh. So, ayun.. I donated one of mine."

Biglang kumirot ng sobra ang puso ko sa narinig ko.

Yun ba yung tinutukoy ni Nikki na ginawa ni Uzzi for her?

"Wow?" Tanging tugon ko.

"Yeah, bakit?"

"Napakahalaga niya sa iyo ano? I mean, you sacrificed one of your organ.."

Tumango siya, "Yeah, Nikki.. She's special sa family namin."

I managed to smile, kahit na hindi ko maintindihan kung bakit kumikirot ang puso ko..

"Why?"  malambing kong tanong.

Ngumiti din siya, "Sobrang close niya sa parents ko. As in. Minsan nga nagdududa na ako kung ako ba anak nila o siya eh. Ewan ba, bakit sobrang lapit ni Nikki sa family ko. Pero mabait kasi siya sobra. She's sweet.. Kind.. Has a big heart. That yeah, as her friend, mapapa donate ka talaga ng kidney for her to survive. Matagal na kaming magkaibigan. She's my childhood friend. Kaya siguro napasugod bigla dito."

Ewan ko, pero parang nanginginig ang kamay ko. Kaya, itinago ko ito sa mag likuran ko. Kunyari ay inaayos ko yung tali ng dress ko.

Ayoko ng palawakin ang tungkol sa ugnayan ni Nikki at ng pamilya niya. Kasi ewan, ang sakit pakinggan? Aahhkk, yung ako hindi ko pa na meet ang kahit na sino sa family niya.. Nakaka ano lang. Ewan.

I dunno what I'm feeling...

"Eh, bakit pala hindi siya sumama sa iyo pauwi kanina?" Tanong ko nalang.

Pinagtataka ko din kasi.

"I offered. Kaso sabi niya, mag enjoy nalang daw ako with you."

"Sinabi mo na ako kasabay mo pauwi?"

He nodded, "Oo. Sabi ko pa nga, ipapakilala kita sa kaniya. Kaso sinabi niya, nakilala mo naman na daw siya nung bago ang pulong panata ng PNK."

"A-ah, oo.." Sabi ko.

"Sinabi ko sakaniya, ikaw yung nililigawan ko."

That maybe the reason why tumanggi si Nikki. Kasi siguro, ayaw niyang magkaharap kaming tatlo. Si Uzzi na gusto niya, at ako na gusto ni Uzzi.. Ugh!

Sinabi niyang ako yung nililigawan niya?
Imbes kiligin ako sa narinig ko, para akong ewan. Nararamdaman ko ay sakit. Nasasaktan ako para kay Nikki or para sa akin.

I don't know.

Ano bang pakialam ko kung may isang babae na may gusto kay Uzzi?

Na may isang tao na may gusto sa taong.. gusto ko?

B-e-a-utiful (COMPLETED) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن