15

199 5 0
                                    


"Bella, sinabi ko kay ka Gino ang nararamdaman ko sa iyo."

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Dahil nakita ko ngang seryoso silang nag-uusap kanina. Na halatang babae ang pinag-uusapan.

Nandito na kami sa may parking ng mall. Nakabalik na kami galing kina ka Anna. Kahihinto lang namin halos.

Alas dyes kinse na ng umaga.

"And?" Tanong ko.

Tinignan ko siya. Nakahawak parin siya sa manubela, pero sa akin siya nakatingin.

"At pinayuhan niya ako, gaya ng marapat gawin, liligawan ko ang mga magulang mo." Aniya na parang desididong desidido.

And I was like.... LUB DUB LUB DUB LUB DUB!!!!

Bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam.

"Uzzi..."

"Bella, duda ka pa rin ba sa nararamdaman ko? Dahil sobrang bilis ng pag dating? Sobrang bilis kong sabihin?"

Umiling ako, matapos ang narinig kong kwento nina Ka Anna at Ka Gino, ay natutunan kong hindi naman kailangang matagal mo na siyang kilala bago mo siya mahalin. Walang pinipili ang puso. Pag naramdaman mo, naramdaman mo.

"Hindi naman sa gano'n." Sagot ko.

"So, okay sa'yo?"

"Pag sinabi ko bang hindi, titigil ka, o papa-awat ka?"

"Hindi. Pero kailangan ko ng pahintulot mo."

Hindi parin ako ngumingiti. Parang ang usapan namin ay about business na dapat ay seryoso ako.

Gano'n din siya. Ramdam ko kung gano siya ka seryoso sa sinasabi niya.

"Maria Cleobella Monta, maaari ko bang ligawan ang mga magulang mo, bago ikaw?" Tanong niya.

Kinalas ko ang seatbelt ko, bago ako sumagot.

"You should ask them, not me." Pagkasabi ko niyan ay itunulak ko ang pinto tapos lumabas na ako. Ngumiti ako bago ko siya tinalikuran.

Narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto, tanda na nakalabas na din siya.

"So, you mean.. Okay? Kakausapin ko ang mga magulang mo?"

"Kailangan ko pa bang i-elaborate ang sentence, Mr. Uzziah Lincoln?"

Kita ko ang saya sa mukha niya,
"Well.. Oo!"

"Sige. Pumunta ka sa bahay mamayang gabi."

"Oh!!" Tinakpan niya ng dalawang kamay niya ang mukha niya tapos parang sumigaw.

Is he that happy?!

"Uzzi, tara na't mag grocery. Nako, marami kang mga dapat bilhin!" Sabi ko tapos naglakad na patungo sa entrance ng mall.

Wala pang gaanong tao dahil maaga pa. Hapon ito napupuno ng tao eh.

"Ano bang mga gusto ni Mama at Papa... Mo?" Nasa likod ko na siya.

At talagang...

Tumabi siya sa akin. Nagdikit ang aming mga braso.

Urgh!

"Ano ba? Hmmm.."

Nandito ako sa bahay. Katatapos naming mag lunch ni mama. Kami lang dalawa ang nandito eh.

Nanunuod siya ng kung ano sa cellphone niya habang naka upo sa dining table.

Matapos mag ligpit ay hindi siya umalis.

B-e-a-utiful (COMPLETED) Where stories live. Discover now