18

170 6 2
                                    

Nakahiga ako sa kama ko. Hawak ko ang notebook kong ginagamit tuwing caucus para isulat ang mga mahahalagang tagubilin at mga gaganaping aktibidad lalo sa PNK.

At nakatala dito ang nalalapit na cooking challenge ng PNK sa linggo. Mabuti nalang talaga at nabanggit nila North sa akin nung nagdalaw sila na kung pwede ay sa cleobella's ganapin.

Ako ang Pangulo, pero di ko naisip iyon ah! Kailangan ko palang kausapin ang iba para doon.

Ilang araw nalang ang aming gagawing paghahanda. Saturday na bukas.

Tutal ay may pulong panata kami mamaya 6:38pm, Friday ngayon eh.

Yun ang pag-uusapan namin.

Pero syempre, kailangan ko ng i-sure lahat. Mas maganda naman na ang pag-uusapan nalang mamaya ay yung mismong ganap sa aktibidad. Yung ready na ang lahat.

Kaya kinuha ko ang cellphone ko at tumawag sa Restaurant.

~

"Anong oras ng Pulong panata ninyo?"  Ani Uzzi sa kabilang linya.

Kausap ko siya kanina pa.

"6:30 po."

"Alas sais pa lang. Wala pa ang iba?"

"Wala pa."

"Hmmm.. Dito nag-uuwian na mga employees."

"Anong oras ka naman lalabas dyan sa office niyo?"

"Before panata, didiretso na ako dyan. Mga 7:30 siguro nandyan na ako sa kapilya."

"Ahh, sige sige."

Napatingin ako sa gate dahil tumunog ito tanda na may pumasok. At hindi familiar sa akin ang mukha.

Babae siya. Nakapusod ang buhok. Sa tantiya ko ay kasing tangkad ko siya. Maamo ang mukha niya. Maganda siya.

Naka dress siyang kulay itim. Tapos pumps na kulay gray.

"Ahh, Uzzi. Wait lang ha, may tao na eh.."
Sabi ko.

"Oh sige sige... See you nalang later!"

"Yeah, yeah."

Pinatay ko ang tawag.

Nagtama ang mga tingin namin noong babaeng kapapasok lang sa gate. Naglalakad siya patungo dito sa canopy kung saan ako nakaupo.

Ngumiti siya at napansin ko ang mapuputi at pantay pantay niyang ngipin.

"Hello!" Bati niya.

Nahawa ako sa ngiti niya, "Hello din!"

"Ngayon ba ang pulong panata ng PNK?"

"Opo. Ngayong 6:30." Sabi ko.

"Ahh, dadalo ka?"

"Oo. Cleobella Monta pala, Pangulong PNK dito sa lokal. Bella nalang." Sabi ko bago inalay ang kanang kamay ko.

Kita kong natuwa siya sa sinabi ko, saka niya inabot ang kamay ko. "Ikaw pala ang Pangulo? Hello po, ako si Dominique Perez. Nikki nalang."

Nang magbitaw ang mga kamay namin ay nagkwento siya.

"Kagabi ako nag transfer dito sa lokal ninyo. Kagawad ako ng PNK at mang-aawit sa katandaan. Nalaman ko kagabi sa destinado na ngayon ang pulong panata ng PNK, kaya't pumarito ako ngayon. Gusto ko na kasing makatupad sa linggo." Ani Nikki.

Oo nga, ang daming nag transfer kagabi sabi ni Geoff. Lalo mga lalaki daw. Dami kasing job offerings ngayon dito sa lugar namin.

"Oh, nakausap mo naman na pala ang destinado. Okay na iyan. Nako, nadagdagan nanaman kami ng magandang kagawad ah?"

B-e-a-utiful (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon