14

195 7 0
                                    


Nakaupo kami sa upuang kahoy. Nakaharap kami sa mesang kahoy. Pawang gawa ito sa kawayan.

Malamang ay si ka Gino ang gumawa nito.

"Nako, buti at pumasyal kayo.." Sabi ni Ka Anna.

"Nako, ka Anna. Napakatagal na nga mula nung huli kong punta dito. Na miss ko ang ambiance dito. Last year pa ata nung umuwi si Simon pagka graduate niya." Sabi ko.

"Oo nga. Mabuti't magkakilala pala kayo netong bago naming sakop. Si Uzziah. Tama ba hijo?"

"Opo opo. Uzzi nalang po." Sabi naman ni Uzzi.

"Oh Uzzi. Saan kayo nagkakilala dalawa? Dito lang ba sa lokal?"

"Ah--" Sasagot pa sana si Uzzi. Pero pinigilan ko siya.

"Opo, Ka Anna. Dito sa Lokal." Sabi ko. Hahahah! Nahihiya ko!

Nirespeto nalang ni Uzzi ang naging sagot ko.

"Ahh, mabuti at naging close kayo agad." Sabi niya.

Si Ka Gino ay kumuha ng ripe mangoes daw sa loob ng bahay. Kaya't naiwan kami kay ka Anna ngayon.

Kaharap namin siya. Magkatabi kami ni Uzzi.

"Opo. Mabait po kasi si Bella. Tapos po.. Maganda pa."

Nabigla ako sa sinabi ni Uzzi.

Uminit ang magkabikang pisngi ko doon.

"Aysus! Pareho ba kayong single dalawa?"

Pero mas nabigla ako sa tinanong ni ka Anna.

Nagtinginan kami ni Uzzi.

"A-ah, opo." Sagot ko.

"Opo." Sabi din ni Uzzi.

"Nako, bakit hindi nalang kayo?"

"A-ah, Ka Anna.. Hindi pa.. I mean, kakakilala lang po namin sa isa't-isa. Diba po, kadarating lang niya sa lokal. Parang ang bilis naman po yata kung ganoon."

Si Uzzi hindi ko alam kung sang ayon ba sa akin. Pero malamang hindi dahil kung ano ano na ang inamin niya eh.

Mahal mahal.. Psh!

"Nako nako... Makinig kayo at ikkwento ko ang buhay namin ng Ka Gino. Kung paano ko siya nakilala."

"Aba't hintayin mo ako, Anna. Gusto kong marinig ulit ang kwento nating dalawa."

Nabigla kami sa pag dating ni Ka Gino. Nakabalik na siya. At may bitbit siyang isang tupper ware. Inilapag niya ito sa mesa.

Humagikgik kami ni Uzzi nang masilayan namin ang laman nito.

"Malamig pa iyan dahil galing sa ref!" Ani ka Gino.

Sliced ripe mangoes, waaaah! Medyo dark yellow na! Ang sarap sarap kung titignan palang! Tapos malamiiiiig pa?!

And plus! May sumaaaaaan!

"Ba't may suman po?" Tanong ni Uzzi.

"Nako Hijo, masarap isabay iyang suman sa hinog na mangga. Hindi mo pa ba nasubukan?" Si Ka Gino.

Sang-ayon ako!! Favourite king pagsabayin yung dalawa!! Huhu!!

"Nagtataka nga ako't kilala niya ang suman." Si ka Anna naman.

Napakamot ng ulo si Uzzi, ngumiti siya. "Ahh, kilala ko po ang suman kasi may ganyan naman po doon sa amin. May mangga din naman po pero bihira, kasi inaangkat lang sa ibang mga probinsya. Pero hindi po ako aware na masarap pagsabayin ang dalawa."

B-e-a-utiful (COMPLETED) Where stories live. Discover now