17

176 6 2
                                    

Around 7:00 pm ay natapos kaming mag dinner. Naiwan kami ni mama sa kusina. Nagliligpit.

Katatapos kong ilagay sa vase ang roses na bigay ni Uzzi. Inilagay ko ang vase sa gitna ng aming dining table. Bagay siya doon dahil may touch of green ang mga gamit naming pang kusina.

"Anak ha, si Uzziah Lincoln pala yung manliligaw mo." Ani mama.

Patapos na kami magligpit, pero ngayon lang siya nagsalita.

"Yes ma, sorry ngayon lang nagka chance sabihin." Sabi ko.

"Okay lang anak. Mukha naman siyang responsable.. Ewan ko ba, pero nararamdaman kong siya na yung para sa'yo."

Bigla akong kinilig sa sinabi ni mama.

"P-paano po?"

Inalis niya ang apron na suot niya, sinabit niya sa sabitan bago ako hinarap..
"Alam mo anak, hindi ako natapos manalangin patungkol sa kawikaan 19:14. Kahit may asawa na ako, at natagpuan na ang sarili kong kawikaan 19:14, na bigay ng Ama na mabuting asawa, hindi parin ako tumigil na banggitin yun sa panalangin. Alam mo kung bakit? Para sa inyong magkakapatid. Lalo na ikaw, panganay ka. Nag-iisang babae. Isinasama ko sa Panata ko na sana makahanap ka ng lalakeng ganito ganyan. Sinasabi ko ang mga katangian. Yung mahihigitan yung pagmamahal na binibigay satin ng papa mo. Isinasama ko sa bawat panalangin ko, ang alam kong laman din naman ng mga panalangin mo, Anak. "

Hindi ko alam pero bigla kong nayakap si mama.

Niyakap niya din naman ako pabalik.

"Mama, alam ko pong lagi kaming laman ng panalangin ninyo. Kalusugan, katalinuhan, kasiglahan.. Pero hindi ko po naisip na pati po pala sa bagay na iyan.. Mama, salamat po! Si Uzzi man po ang katuparan ng mga panata ko o hindi, ay Ama na lamang po ang makapagsasabi. I love you po!"

"I love you too, anak."

Lumabas kami ni mama sa salas. Si papa, Uzzi at yung dalawa kong kapatid ay nakaupo sa sofa na nagkkwentuhan. Siguro ay panay patungkol sa pang kabanalan ang lahat ng pinag-uusapan nila?

Kita kong naka suot na din ng polo at slacks ang mga kapatid ko.

"Anong oras ng panata mama?" Tanong ko.

"Alas otso.." Sagot ni mama.

Sinilip ko ang wristwatch ko, 7:05 palang.

"Sige po, kukuha lang ako ng cardigan. Para patungan itong suot ko." Sabi ko.

Si mama ay dumiretso doon sa grupo ng mga lalake. Ako naman, dumiretso sa kwarto ko.

Pagkasara ko ng pinto pagpasok ko ay sumandal muna ako doon. Napakasarap sa pakiramdam!

Yung sobrang saya. Ang sarap! Yung tibok ng puso ko, hindi ko na nakalimutan. I mean, sanay na sanay na ako sa ganitong tibok niya. Yung para siyang masaya.

Inilagay ko ang kanang kamay ko sa may parte ng puso ko.

Damang-dama ko kung gaano kaligaya ang puso ko.

Ang healthy healthy naman sa heart ni Uzzi.

Pumikit akong sandali, bago kinausap ang Diyos..

"Ama, banal ka po at makapangyarihan sa lahat. Salamat po ng marami Ama sa lahat lahat. Salamat po at dumating sa buhay ko itong puntong ganito na sobrang ligaya ng puso ko. Ama, dahil po ito sa isang tao... Pagpalain po Ninyo siya. Salamat po sa pagkasangkapan sa kaniya, Ama. Mahal na mahal po kita. Nakakatulong po siya para mas maramdaman ko kung gaano mo ako ka mahal. At kung gaano din po kita ka mahal, Ama. Salamat po! Sa Iyo po ang lahat ng kapurihan. Alipin po Ninyo akong walang kabuluhan. Ama, nawa po ay marami pang mangyari na masasaya. Sa Iyo ko po inihahabilin ang lahat. Sa pangalan ni Jesus, dakila po naming tagapagligtas. Amen."

After ng sandaling panalangin na iyan ay nagtungo ako sa closet ko. Kinuha ko ang kulay gray na cardigan ko tapos ipinatong ko ito sa suot ko.

Off shoulder kasi, bawal sa kapilya. May panata kasi kami mamaya sa lokal. Gabi- gabi namang mayroon.

Nag retouch lang ako ng konti, gaya ng lipstick dahil kumain kami kanina, nawala.

Bumalik din ako kaagad sa salas.

At nadatnan ko doon na naka ready na silang lahat.

"Tara na sa Panata?" Ani mama.

"Yes po, ready na ako." Sabi ko.

Lahat sila ay nakatingin sa akin kanina. Pero ang huling nag alis ng tingin sa akin ay si Uzzi. At syempre, naunang maglakad palabas sina Gevan, Geoff, mama at papa. Kaya naman nagkasabay kami ni Uzzi.

Omo! Katabi ko na siya!

"So, kamusta?" Sabi ko.

"I'm so happy." Tugon niya. At halata nga iyon sa kaniya.

"Ako din." Sabi ko ulit.

Nginitian niya ako. Gano'n din ako.

Paglabas ng pinto ng bahay, nakita kong ready na ang kotse ni papa. Kulay itim ito.

Malayo kasi ang kapilya dito sa bahay namin diba, kaya't nagpundar talaga siya ng sasakyan.

"Sa akin ka na sasabay.." Ani Uzzi.

Malamang dala niya ang kotse niya.

Tumango ako.

Lumapit ako sa kotseng itim,
"Mama, papa, kay Uzzi na po ako sasabay." Sabi ko kay mama at papa na ngayo'y nakaupo na sa harap ng kotse.

Nginitian ko nalang yung dalawa kong kapatid na nasa backseat. Ngumiti din naman sila.

"Oo! Sige!" Sagot ni papa.

"Ako na po ang magsasara ng gate. Mag-ingat kayo." Sabi ko.

"Sige sige. Kayo din."

Lumayo ako sa kotse kaya't nabigyan ng daan si Uzzi. Nasa likod ko kasi siya kanina pa.

"Ingat po kayo." Ani Uzzi. Kumakaway pa talaga siya.

"Kayo din. Wag magmadali. Medyo maaga aga pa naman. Alas otso pa ang panata."

"Opo tito, tita. Iingatan ko po si Bella, syempre." Madiin niyang sabi.

Lub dub.. Lub dub.. Lub.. Dub..

Hindi ko alam pero napakapit ako sa braso ni Uzzi. Parang nanghihina akooooo sa kilig!!

Uzzi!!

Nang tuluyang umalis ang sasakyan nina papa ay nanahimik ang paligid.

Tinignan ni Uzzi ang nakakapit na kamay ko sa kaliwang braso niya.

"Yes, Bella?" Tanong niya.

"W-wala naman." Sabi ko.

"I like it."

"S-sorry.." Sabi ko bago ko inalis ang kamay ko sa braso niya.

Luminga-linga din ako. Nahihiya ako!

"You can cling unto me, whenever you want, Bella." Sabi niya.

"O-okay na ko." Sagot ko naman.

"Sure?"

Tumango ako, "O-Of course!"

"Sabi mo eh. Tara na. Nasa labas kotse ko." Aniya.

Isinara ko ang gate bago kami tuluyang pumunta sa kotse niya.

"Thank you for this moment, Bella." Aniya pagka andar ng makina.

"No, Uzzi. Thank you." Sabi ko naman.

Nakatingin lang kami sa isa't-isa. Nakikita ko ang mga mata niyang nangungusap. Ang ganda pala sa feeling. Na may mga mata, na sa iyo lang nakatingin.

"Marami pa akong gustong patunayan sa'yo, Bella. Allow me.. please.."

"Yes, Uzzi. Matapos ang ginawa mo kanina. Nakita ko kung gaano kasaya sina mama. Ang sarap lang. Na may isang tao, na kahit hindi sila kadugo, napapasaya sila."

"Purihin ang Diyos, Bella."

Tumango ako, "Purihin Siya.."

"Tara na? Panata?"

"Tara!"

At umandar na ang sasakyan.

B-e-a-utiful (COMPLETED) Where stories live. Discover now