25

179 8 0
                                    

"Ma'am Bella, magpahinga na ho kayo..."

"Eh baka may mga customer pang darating. Tutulungan ko kayo.." Sabi ko.

Pinunasan ko ng likod ng palad ko ang noo ko.

Nandito ako sa counter area. Diba nga wala si Nica. Ako ang tumao dito dahil sobrang daming customer kanina, kailangang tatlo ang waiter.

"Ma'am, alas sinco naman na ng hapon." Ani Karl.

"Opo nga, kami nalang po tatao dito. Pag ganitong oras naman po ay konti nalang tao. Kaya na namin." Sabi naman ni Kevin.

"Oh sige.." Tanging tugon ko.

Naglakad ako pabalik sa office ko. Napagod ako doon.

Now I experienced the every day working routine of Nica.

Hirap nga.

After kong i lock ang pinto,
Nilakasan ko ang aircon sa office ko, kasi pinagpawisan talaga ako.

Umupo ako sa swivel chair ko atsaka ko tinignan muli ang pictures namin ni Uzzi sa isang frame dito sa mesa ko. Hindi ko gusto ang frame....

Balak kong kunin ito pero natabig ko!

At shocks! Nabasag nanaman!!

Ano ba?

Nakarinig ako ng tatlong katok sa pinto ko.

Tok tok tok

"Who's there?" Tanong ko.

Nanatili lang akong nakaupo.

"Ma'am, anong nangyari?" It's Karl.

"Ahm, Karl, magdala ka nalang ng walis at dustpan nabasag yung frame eh.." Sagot ko.

"Ah sige po ma'am!" Aniya.

Rinig Kong naglakad siya palayo sa pinto.

Bakit para kong kinukutuban na ewan?

I checked the time, 5:15PM. Ang huling text sa akin ni Uzziah ay kanina pang umaga. Sabi niya, pupunta siya sa monthly check up niya with their family doctor.

Eh bakit hapon na ay wala parin siyang text?

Nakailang missed call na din ako. Pero walang sagot.

Busy ba siya?

Or baka naman driving na siya pabalik dito..

Nagtext nalang ako

Me:

Uzzi, text mo ako agad pagka hindi ka na busy.

Gusto kong dagdagan ng IMISSYOU sa dulo ng text, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Kailangan ay sa personal ko ito masabi ng unang beses. Hayz.. Kung sana ay natuloy ang dinner date namin kagabi, edi hindi na sana ako ganito ngayon.

Yung pakiramdan ko, miss na miss ko siya kasi may gusto akong sabihin na hindi ko nasabi nung magkasama kami.

Sabagay, in God's perfect time...

"So yung huling sign na hiningi mo ay hindi natupad?" Ani Gia sa kabilang linya.

Kauuwi ko ngayong gabi from panata sa lokal. Nakapag shower na ako at ready to sleep na. Pero naisipan kong tawagan si Gia.

Buti nga't nasagot niya kahit pa kasama niya si Joey ngayon. Nag ro-roadtrip daw sila.

"Oo. Kasi di natuloy ang dinner date kagabi. Eh sabi ko, pag natuloy yun.. Dun ako aamin." Turan ko.

I heard her tsked, "Pagka malas naman ni Uzzi aber.."

B-e-a-utiful (COMPLETED) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें