19

193 9 1
                                    


After ng panata, hindi ko na namataan si Nikki. Nagmadali ba siyang umuwi? Papakilala ko pa naman sana siya kay Uzzi.

"Oh, sinong hinahanap mo?" Tanong ni Uzzi.

Eh pano, sakaniya ako ulit sasabay uuwi. Pinabayaan nanaman ako sakaniya nila papa.

Tiwala na eh.

"Hmmm, wala."

"Pasok ka na pala, mahamog na." Aniya bago ako inalalayan pumasok sa kotse niya.

Siya din ang nagsara ng pinto.

Pinagmasdan ko siyang dumaan sa harap bago pumasok sa pwesto niya sa driver's seat.

Pagpasok niya ay agad kong nalanghap ang pabango niya. It's sweet ugh!

Kagagaling niya mula sa maghapong trabaho pero ang fresh fresh padin niya..

Naalala ko, kung paano ko binabanggit sa Ama ang pangalan niya sa Panalangin ko kanina.

I'm not asking his name to be my someone.

Kasi natutunan ko na if you're praying for your future boyfriend, wag mag mention ng pangalan, only katangian.

Pero I dunno. I mentioned his name, na sana ingatan siya.. maging masigla lalo. Things like that. Na dati sarili ko lang pinapanalangin ko ng ganyan. Ngayon.. Siya din.

"Ba't ka nakatitig?" Aniya.

Kumurap ako doon. Shaaaak?!

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Kanina pa ba ako nakatitig?

Narinig ko ang pag tawa niya. Bago niya ipinaandar ang makina.

Ibinalik ko ang tingin ko sakaniya. Nakita ko ang paghikab niya.

"You tired?" Tanong ko.

Tumango siya bago sumulyap sa akin gamit ang mapungay na mata, inaantok ka nga.

"Pag-uwi ko mamaya ay didiretso akong tulog. Sobrang busy ngayon eh."

"Mag break ka kaya muna sa work. Ako nga eh. One week. And nakakatulong naman."

"I won't stop working until I'm sure na kayang kaya na kitang buhayin at ang magiging pamilya natin."

"Ang advance mo mag-isip." sabi ko nalang bago ko inalis ang tingin ko sakaniya.

Pamilya? Huh!

Humalakhak siya.

Saka isa pa
"Sure ka bang ako na talaga?"

Natahimik siya tapos parang naging seryoso.

"Oo. At patutunayan ko iyan sa'yo ng maraming beses, Bella."

Lub dub.. Lub dub.. Lub dub..

Ayan nanaman po. Alam niyo yung sabi ng isip ko, patagalin mo pa.. huwag kang ma fall ng sobra. Masyadong mabilis. Pero yung puso mo gustong gusto ng lumandi ganon.

Ano ba, yung mga terminong ganyan nagagamit ko na.

Nandito kami sa loob ng kotse. Nasa tapat kami ng signage ng aming lokal. Nakikita ko nga ang liwanag ng Green White and red eh. Lokal ng Iba. Distrito ng Zambales North. Iyan ang nababasa ko.

At sa pagkakakulong namin sa kotseng ito, tahimik, Mas lalo kong naramdaman ang sinasabi ng puso ko.

Para akong ewan... Para kong trinaydor ang sarili kong prinsipyo. Parang hindi ko matutupad yung paghintayin pa siya ng ilang buwan. Parang gusto ko.. Maging sa akin na si Uzzi ngayon.

B-e-a-utiful (COMPLETED) Where stories live. Discover now