11

194 9 0
                                    

"Hala! Bella! Aga mo ah? I'm sorry. Kasama ko kasi si Tita Amy ngayon, mamaya nalang tayo mag-usap okay? Or bukas? I love you!!!"

"Uh, okay Gia. I love you more."

Ibinaba ko ang cellphone. Tamad na tamad akong bumalik sa pagkakaupo sa kama ko. What is happening? Bakit ko tinatawagan si Gia para lang ikwento itong nararamdaman ko?

At BAKIT KASI MAY NARARAMDAMAN NA AKO?!

She's with Tita Amy? Woah! Mother yun ni Joey ah? Napangiti nalang ako nang maalala ang magagandang kaganapan ngayon sa buhay ni Gia.

Purihin ang Diyos!

Anong gagawin ko? Balik kaya ko sa restaurant? Ugh! Hindi eh. Nagpaalam nako na ilang linggo akong wala doon. Syempre, kahit gano pa ko kabait sa kanila doon, kahit papano, pag wala ako na boss, nakakagalaw sila ng mas maayos. Hindi natatakot magkamali o ano. Hindi naman sa nagagalit ako, pero alam ko yung pakiramdam na gano'n. Magkaiba ang araw sa trabaho kapag nando'n o kapag wala ang boss.

I'll let them be what they want. Nakaka goal naman kami sa araw-araw eh.

Saka, kapag nandoon ako.. Mag ta-trabaho ako ulit. Hindi lang magiging maayos ang kalalabasan, Dahil nga dito sa aking kakaibang nararamdaman!

"Cleobella!!"

Uh?

"Yes ma?!"

Narinig ko si mama na tumatawag mula sa labas ng kwarto ko.

Kaya lumabas ako. Nakasuot ako ng puting blouse at pantalon. Dahil balak kong kumain sa jollibee mamaya maya.
Doon ko balak mag breakfast.

"May naghahanap sa'yo."

Bigla akong kinabahan doon. Tapos dali dali akong tinungo ang entrance ng aming bahay kung nasa'n si mama.

Baka si Uzzi yon! Nako!

"Sino po yan ma?" Tanong ko na hinihingal pa. Habang nakahawak sa may pintuan.

"Uhh, mga may tungkulin sa PNK. Sila North." Ani mama. Nagdidilig siya ng halaman dito sa may garden.

Nagtaka ako? Anong ginagawa naman ng mga maytungkulin ko?

Nang mapunta ako sa bukas naming gate, Napatigil ang kaba ko nang masilayan ko si North. Pangalawang pangulong Binhi sa lokal. Babae siya.

"Ate Bella, magdadalaw lang po sana kami." Aniya.

Opx. May in-expect akong iba, na dadalaw sa'kin. Pero nakakataba ng puso ang ganito, dinadalaw ka ng mga may tungkulin sa Iglesia.

"Ah? Dalaw ba?" Sinilip ko ang mga kasama niya.

Mga binhi naman lahat ah? Kahit nagtataka ako, ay in welcome ko sila. Christian Values.

Binilang ko sila sa isip ko at sampu sila, kinawayan ko sila. "Hello po mga kapatid! Tara, pasok kayo."

"Salamat, ate." Ani North. Tapos tinawag yung iba, "Tara, tuloy tayo."

Nauna akong maglakad, at sumunod sila.

"Mama, dinadalaw nila ako." Sabi ko kay mama.

Napatingin siya gawi namin at kita ko ang pag porma ng malapad na ngiti sa labi niya.

"Hello po ka Isabelle!" Bati nila kay mama nang makita nila siya.

"Oh, mabuti naman at dinalaw niyo iyan. Kawawa naman eh, walang nagdadalaw. Sige, pasok kayo sa loob." Ani mama.

Hay nako, ma HAHA

"Ano ibig sabihin ni Ka Isabelle? Na walang boyfriend si Ate Bella?" Rinig kong tanong ng isang MT sa kasabay niyang maglakad.

B-e-a-utiful (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon