21

153 7 0
                                    


Balak kong tumayo sana dahil pupunta ako sa office. Hawak ko ang cellphone ko at nagpaalam na din ako kay Gia.

Kaso natigilan ako, nang makita ko sa labas ng restau si Nikki, kausap si Uzzi.

Sila yun ah?

Umupo ako ng maayos ulit at tumagos ang titig ko sa salaming haligi nitong building.

Sila nga yun!

"Gia, si Uzzi yon diba?"

Tinuro ko yung nasa labas. Seryosong nag-uusap silang dalawa. Nakatayo. Halos magka height sila.

"Oh?" Sinilip din niya. Tumango siya. "Oo nga!"

"Magkakilala sila?"

"Diba nakakwentuhan mo yang si Nikki kamo nung bago pulong panata?"

Tumango ako, "Oo. Pero ang nabanggit niya lang naman ay patungkol doon sa lalakeng sinundan niya.. na best friend niya, na mahal niya na daw at aamin siya dito. Tapos titignan niya, kung sasama pauwi sa kaniya."

Biglang lumaki ang mga mata ni Gia. At maging ako ay natigilan.. Para kaming may naisip dalawa. Nag jinx yung ideya gano'n.

"Wait don't tell me.." Di mabanggit ni Gia.

Umiling ako.

No, it can't be Uzzi...

Nalingon sa gawi ko si Uzzi. He's on his serious aura. And, nagulat ako.. nagka eye to eye kami pero bigla niyang iniwas din agad, saka tumingin uli sa kausap na si Nikki.

We-wait, what was that?

All this time, nasa labas sila?

Bakit?

"May naalala akong linya, bes.." Sabi ni Gia.

Nakuha niya ang atensyon ko.

Humarap ako sakaniya.

"Huwag ka daw mag mention ng name. Kasi sino ka ba para pangunahan ang Ama kung sino ang para sa iyo. Hayaan mong siya ang magpakilala ng kung sino ang tamang tao para sayo, huwag na ikaw ang magpakilala sakaniya kung sino ang gusto mo."

Bigla naman akong naliwanagan doon. Kasi kanina talaga, hindi ko gets..

Tumango ako.. "Oo bes.."

"Kasi, kaya ang tao nasasaktan madalas.. gusto nila matupad yung gusto nila. Ang hindi nila alam, mas maganda pala ang plano ng Ama." Tuloy niya.

Wait, familiar!
"Hala! Naalala ko kung sinong nagsabi nyan!"

"Sino? Oo nga eh, alam ko narinig ko lang 'to.."  Sabi naman ni Gia, nag iisip din siya.

Inisip ko ng inisip ang pangalan niya.
"Si Taliyah Linco!" Naalala ko din.

"Taliyah? Ah oo! Yung artista! Na nakapag asawa ng African? Oo! Yung INC Celebrities sila." Ani Gia.

Oo, na meet nga daw niya yun Online eh. Ah basta maganda din yung story nila.

(Read:  LAKAD KO'Y PARA SA'YO, Feat. Maria Taliyah Linco)

"Oo, diba.. Turo sa atin mula pa noon, Huwag daw matupad ang ibig natin, kundi ang ibig ng Diyos." Alam na alam ko yun.

Pero hindi ko alam, na tunay ngang pati sa pag-ibig o pakikipag relasyon ay aplikable yun.

"Ay totoo bes. Kasi diba, tama! Kung babanggitin mo yung pangalan, parang pinangungunahan mo Diyos eh."

Tumango ako, "Sabagay.."

B-e-a-utiful (COMPLETED) Where stories live. Discover now