02

604 17 0
                                    

Nakabihis na ako ng aking corporate attire. Papunta na ako ngayon sa office. Mondaaaaay. So first day of the week.

I have my very own small yet elegant restaurant sa bayan. Mag wa-one year na siya next month. Kaya pinaghahandaan ko yung event na 'yun.

Graduate ako ng business administration major ni marketing. Hello, shout out sa mga marketers dyan!

Nasa harap na ako ng bahay, nag aabang ng masasakyang tricycle. 20 mins lang ang tinatagal ng byahe mula dito sa bahay, papunta do'n.

Yes, yun ang pinagtuunan ko ng pansin pagka graduate ko. Gusto ko kasi hawak ko oras ko. Kaya nag titiyaga ako ngayon na palaguin yung negosyong yun. My parents gave me a capital to start this, kaya I'm very thankful to them.

Kaya naman daw nilang ibigay, why bother na mag trabaho pa ako sa iba to earn capital.

Kaya talagang nagsikap akong maitaguyod yun. Sobrang bongga kong in promote yun. Kinatulong ko mga kaibigan kong may iba't ibang talents. Kaya eto, mag ce-celebrate na kami ng first anniversary! Yiiee!

Huminto sa harap ko ang tricycle na si Kuya Dennis ang driver. Isang kalihim ito sa aming lokal.

LOKAL NG IBA! Distrito ng Zambales North!

"Aga naman ng boss." Aniya. Wala siyang sakay.

Tumawa ako bago pumasok sa loob, "Syempre kuya, lam mo naman.. Kailangan kumita ng pera."

"Ay totoo 'yan!" Sabi niya bago pinaandar ang trike.

Napangiti nalang ako. Syempre kumalma ako, itinabi ko ang brown tote bag ko sa akin dahil wala namang ibang pasahero. Pumikit ako at nanalangin ng sandali.

Ito ang hinding hindi ko nakakalimutan, ang manalangin kapag nasa kalagitnaan ako ng byahe.

Inihabilin ko sa Ama ang lahat. Ingatan ako, ilayo sa kung ano mang uri ng kapahamakan, at maipagtagumpay ang araw na ito na nakapag bibigay lamang ng kapurihan sa Kaniya.

After 20 mins ay nakarating ako sa restau.

Bumaba ako bitbit ang tote bag ko. Nag abot ako ng twenty pesos kay kuya.

"Kuya, salamat. Pagpalain ka ngayong araw." Sabi ko.

Kinuha niya ito, "Salamat. Ikaw din, Bella."

Pag-alis ng trike ay humarap ako sa maliit na building na nasa harap ko. Two storey. Touch of red, tangerine, off white, black and gray ang kulay. Salamin ang windows. Kita mo ang loob mula dito sa labas.

Binasa ko ang nasa itaas,

Cleobella's Restau


A fruit of my prayer.

Nakangiti kong pinasok ang loob ng restau. Sinalubong ako ng ngiti ng mga employees, apat lang naman silang narito sa labas. Isang cashier, si Nica. Tatlong water. Si Kevin, Kyle at Karl. Mga kadiwa sila sa lokal. Mga kaibigan ko.

"Hello, Bella!" Ani Nica. Habang may kinakalikot sa computer sa harap niya.

Kinawayan ko siya, "Hello! Good luck for todaaay!"

"Yes!" Aniya.

Maliit lang ito. Anim na tables lang ang nandito sa main floor na may tig lilimang chairs. While sa second floor, tatlong tables lang na may tig wa- walong chairs naman.

Kumbaga dito sa baba, pang family dates. While sa itaas, for friendship gatherings. Pero syempre, depende parin sa customers kung san nila tipo kumain. Yun lang ang pinaka dahilan namin kung bakit gano'n ang bilang ng chairs bawat floor.

B-e-a-utiful (COMPLETED) Where stories live. Discover now