LXXXII

2.8K 299 8
                                    

Juliet

"Nakuha na po namin ang sukat niyo. Mauna na po kami, binibini." paalam nung mga nagsukat sa akin para sa wedding gown.

Tuloy ang kasal. Tuloy na tuloy. And this time, we're taking our time.

Napabuntong hininga nalang ako pagkalabas nila ng sala at naiwan na akong mag-isa. Pasandal na sana ako sa sofa nang biglang pumasok si Angelito Custodio kaya napatayo agad ako at bumati sa kaniya. Ngayon nalang ulit siya pumunta simula nung isang linggo na sinabi niya sa aking tuloy ang kasal.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat na tuloy pa rin ang kasal pagkatapos ng lahat o dapat na ba akong kabahan dahil ngayon, hindi ko na alam ang tumatakbo sa utak ni Angelito Custodio.

Oh, well... never ko namang nalaman ang tumatakbo sa utak niya pero medyo natatakot lang ako ngayon na baka sa dinami-rami ng sakit na binigay ko sa kaniya, eh gumanti na siya bigla at hindi ako handa.

"Maganda araw sa iyo, binibini." bati niya sa akin.

"Maaari mo ba akong samahan maglakad-lakad dito sa inyong hacienda?" tanong niya kaya tumangu-tango nalang ako at naglakad na nga kami.

Feeling ko ngayon, parang pagmamay-ari na rin ni Angelito 'tong Hacienda Cordova dahil sa totoo lang... hawak niya kaming lahat sa leeg. Kung hindi dahil sa kasal na magaganap sa aming dalawa, malamang nadamay na rin ang pamilya ko sa gulo ngayon dahil sa maling pamimintang kay Niño. Nabalitaan ko na sobrang higpit ng pagbabantay ngayon sa Hacienda Hernandez dahil nga nahuli si Andong na kasama ni Niño bago siya... namatay.

Ngayon, maayos pa rin naman ang pamumuhay ng mga Fernandez dahil una sa lahat, tingin namin ni Adelina'y hanggang manman lang sa Hacienda Fernandez ang mga gustong manira at maglagay sa kapahamakan kay Fernan dahil nga Fernandez ang pinakamayamang pamilya sa buong San Sebastian. Pangalawa, nasa side raw ni Aguinaldo si Fernan na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung papaniwalaan ko o hindi.

Naalala ko kasi nung papunta kami kay Niño, halatang nagulat din siya na may nagpuputukan nun at mukhang hindi rin niya inaasahan pero based sa statements na mga nasasagap ni Adelina ay kasama raw si Fernan sa mga nagplano ng pagdakip kay Niño kaya kung totoo man 'yun, ano 'yun? Nakalimutan niyang dadakipin nila si Niño nung araw na 'yun kaya parehas kami ng shookness level nang marinig yung mga putok ng baril? Ang gulo talaga, eh. Parang puzzle pieces ang lahat na hindi naman sakto sa isa't isa kaya hindi ko mabuo-buo.

Nabalik ako sa realidad nang hagisan ako ni Angelito ng arnis na thank God ay nasalo kundi tumama na 'to sa noo ko at most probably ay may bukol na sana ako ngayon. Nakita kong napatangu-tango si Angelito nang makitang nasalo ko yung arnis at nilabas na rin niya yung arnis niya sa lagayan na kinagulat ko dahil MAY DALA PALA SIYANG ARNIS TAPOS HINDI KO MAN LANG NAPANSIN??

"Tayo nang maayos." sabi niya na may pag-uutos ang tono.

"T-Teka... anong gagawin natin?" tanong ko.

"Ngayon kita tuturuan." diretsong sagot niya.

"A-Alin?" tanong ko, naguguluhan pa rin.

"Ipagtanggol ang iyong sarili."

WHAT?!

♤♤♤


"Ayos ka lamang po ba, binibini?" tanong ni Adelina habang minamasahe niya ang likod ko.

Grabe 'yun si Angelito! Ilang beses akong nalaglag sa kinatatayuan ko, natamaan ng sarili kong arnis, at nadapa dahil sa pinaggagawa niya! Nung sinabi niyang tuturuan niya akong ipagtanggol ang sarili ko, hindi ko naman ineexpect na torture ang aabutin ko, 'no!

"Naku po! Binibini, may pasa ka sa iyong braso!" nagpapanic na sabi ni Adelina at dali-daling naghanap ng kung ano sa drawer ko.

"Tsk. Mas magugulat ako kung wala akong nakuhang pasa sa pinaggagawa nung Angelito na 'yun." sabi ko pagkabalik ni Adelina na may dalang maliit na lalagyan.

"Lagyan po natin ng kolorete itong pasa upang matakpan." sabi ni Adelina at dahan-dahang may pinahid sa braso ko. Pagkatapos niya gamitin 'yun ay naglakad na ulit siya pabalik sa drawer kaya naman habang sinusundan ko siya ng tingin ay nahagip ng paningin ko ang halamang nakapatong dito.

Tumayo ako at naglakad papunta sa drawer ko. Napangiti nalang ako nang maalala ang itsura ni Niño nang ibigay niya 'to sa akin.

"Naalala ko ang sinabi mong nais mo ng mga bagay na nagtatagal kung kaya't naalala ko ang ibinigay kong rosas sa iyo dati at naisip na ilang araw lang din ang itinagal no'n sapagkat hindi ito nakatanim kaya naisip kong bigyan ka naman ng isang bagay na may buhay at magtatagal."

"Nangungulila ka pa rin po sa kaniya, binibini?" tanong ni Adelina. Napangiti nalang ako kay Adelina kahit para na namang winawasak ang puso ko.

Kahit pa siguro'y lumipas ang daan-daang taon, mananatiling nagmamahal at labis na nangungulila ang puso ko sa heneral na ipinagkait sa akin ng panahon.

"Hindi naman na yata mawawala ang pangungulila ko sa kaniya, Adelina. Gano'n naman talaga kapag nagmamahal, hindi ba?" sagot ko at napangiti nalang din nang malungkot si Adelina.

"Bilib po ako sa pag-iibigan niyo, binibini. Ikaw, patuloy mo pa rin siyang minamahal kahit wala na siya at siya naman po'y hindi alintana ang inyong pagkakaiba—oo nga po pala, binibini... tungkol sa mga papel—"

Biglang may kumatok sa pinto kaya natigil si Adelina sa sinasabi niya para tumayo at buksan ito.

Nakita kong isa sa mga kasambahay namin ang nasa labas at nag-usap sila sandali ni Adelina atsaka nagpaalam si Adelina sa akin na may kailangan silang gawin kaya naiwan na naman ako mag-isa rito sa kuwarto ko.

Tumayo ako at naglakad papunta sa terrace para magpahangin.

Ngayon, wala nang aakyat dito dahil watak-watak na ang tatlong itlog. Wala na si Niño, nagtraydor si Fernan, at wala nang balita kay Andong.

Hay, kung alam ko lang na magiging ganito ang lahat dahil sa pangingialam ko sa kasaysayan... hindi ko na sana ginawa. Wala nalang sana akong ginawa. Hindi nalang sana ako napunta rito.

Pero kahit ano pang pagsisisi ang gawin ko, hindi ko naman na maibabalik si Niño at lahat ng nasira ko sa panahong 'to. At kahit ano rin namang pagsisisi ang gawin ko ay alam ko sa sarili ko na nagpapasalamat pa rin akong napunta ako sa panahong 'to dahil nakilala ko sina Caden, Ama, Ina, Adelina, Padre Ernesto, Manuel, Pia, Andong, Fernan, at nagkaroon ako ng pagkakataong magmahal. Nagkaroon ako ng pagkakataong mahalin si Niño.

♤♤

Maraming salamat sa pagbabasa!

2nd update ngayong araw! Medyo umaayos na ang pakiramdam ko kaya mayroon pa akong dalawang updates para sa araw na 'to tapos siguro matatagalan na ulit yung chapter LXXXV pero sana mag-enjoy kayo sa pagbabasa! 💙

Follow, vote, and comment!

- E

Way Back To YouWhere stories live. Discover now