XXVII

4.3K 363 19
                                    

Juliet

"Juliet, are you alright?"

Nagulantang ako nang marinig si Ina at nakahawak na pala siya sa balikat ko.

"Y-Yes, I'm fine." sagot ko at ngumiti para mawala na ang pag-aalala sa mukha niya.

Kanina pa ako nakabihis at napatulala na pala ako sa kakaisip dahil... bumalik na si Niño.

Teka, ano bang pake ko kung bumalik na siya eh ayaw na nga niya akong makita?? Hay nako, Juliet! Umayos ka na nga!

Tumayo na ako at sinundan si Ina bumaba. Nagulat ako nang makitang maraming tao sa sala at bumabati sila sa akin pagbaba ko pati na rin kay Ina.

Shocks. May masamang kutob ako rito, ah.

Pagkababa namin, dumiretso ako sa kusina at nakitang abala si Manang Felicitas kaya si Adelina nalang ang hinila ko papunta sa wala masyadong tao.

"Akala ko ba umuwi si Heneral Niño? Bakit may handa at ang daming tao kahit dito sa bahay?" tanong ko.

"Oo nga po, binibini. Umuwi na po ang Heneral Niño at hindi po ba't kasama niya ang iyong nobyong si Koronel Fernan? Kaya malamang ay umuwi na rin ang koronel kaya naman magiging panauhin mamaya ang mga Fernandez dito sa Hacienda Cordova." sagot ni Adelina.

Myghadd. Sabi na nga ba eh, may hindi magandang kutob ako sa handaang 'to.

Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Ina at dinala sa labas ng mansion. OMG! Pinapalayas na ba niya ako?!

"Go and see General Enriquez' parade, I'm sure Colonel Fernandez is with him. You should take him with you." nakangiting saad ni Ina at nakahinga ako nang maluwag dahil hindi naman pala niya ako papalayasin pero agad ding napakunot ang noo ko nang marealize kung ano ang inuutos niya.

Napapamewang ako at sumagot.

"Ina, babae po ako. Hindi po ba't dapat ang mga lalaki ang sumusundo sa mga babae?"

Natawa naman si Ina at napailing-iling.

"You're going with Paeng, he's the one who will talk to Colonel Fernandez."

Napasimangot nalang ako pero natatawa pa rin ang nanay ko sa akin. Parang ewan lang, eh 'no.

Pumasok na ako sa karwahe at umandar naman na 'yun. Pagkaalis na pagkaalis ng karwahe sa hacienda, nakasalubong namin ang mga karwahe ng mga Fernandez.

OMG! Nandito na sila at hindi ko pa nasusundo si Fernan!

Pinagmadali ko na si Paeng na isa sa mga kutsero ng pamilya namin na mas bata ako ng ilang taon pero tinawanan lang niya ako at sinabing makakapaghintay ang mga lalaki.

Grabe, lahat yata ng nakausap ko ngayong araw tinatawanan lang ako. Katawa-tawa ba talaga ako?

Pagkarating namin sa plaza, may pagtatanghal na nagaganap sa entablado sa gitna kaya naglakad na ako papunta roon. Sumunod naman sa akin si Paeng pagkatapos niyang i-park 'yung karwahe at kabayo at hinanap na namin si Fernan. Hindi nagtagal, nahagip na rin ng mga mata ko ang nakablue na uniform na si Fernan pero hindi rin nakatakas sa paningin ko ang katabi niyang nakaputing uniporme na sobrang tagal ko ring hindi nakita.

Nasa harap siya at ang ganda ng mga ngiti niya ngayon... siguro dahil comedy 'yung palabas ng mga nagtatanghal. Napangiti rin ako nang makita siyang tumawa kasama ng iba pang mga nanonood dahil may ginawang nakakatawa 'yung nagtatanghal.

Lalapit sana ako sa kaniya para kamustahin siya nang lumingon siya sa direksyon ko pero hindi sa akin dumapo ang tingin niya kundi sa dalagang katabi niyang manood at sandali silang nag-usap at nagtawanan ulit nang magpatawa na naman ang nagtatanghal.

Way Back To YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant