XL

4.2K 375 28
                                    

Juliet

Simbahan.

Maraming mga taong nakaputi.

Sa dulo ng altar ay naghihintay ang isang lalaki.

At ang lalaking iyon ay si Angelito Custodio... nakabarong at naka-ayos mula ulo hanggang paa. Binigyan niya ako ng isang maaliwalas na ngiti bago ilahad ang kamay niya.

Napailing-iling ako at napasandal sa punong nasa tabi ko. Sa harap ko ay naroon si Angelito Custodio na nakangiting pinagmamasdan ang pagamutang pinaghirapan niya.

Mukhang hindi niya napansin na napakapit na ako sa puno dahil sa biglaang pagkahilo pero nang makabalik na ako sa huwisyo ay tumayo na rin agad ako nang maayos at patuloy lang siyang pinagmasdan.

Anong ibig sabihin ng biglang nakita ko ngayon-ngayon lang?

Naalala ko dati na bigla kong nakita si Niño na duguan kasama ang iba pang mga sundalo at sabi ni Caden ay puwedeng nakikita ko ang hinaharap dahil 'yun ang kahahantungan at huling sandali ni Niño pero ano naman ang ibig sabihin ng nakita ko ngayon?

Humarap sa akin si Angelito Custodio na may ngiti pa rin sa mga labi. Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin dahilan para marahang mahawi ang ilang hibla ng buhok niya at ewan ko ba kung bakit parang may kakaiba akong naramdaman.

Hindi ko maexplain kung kaba ba o excitement o iba pang feeling pero basta kakaiba.

"Maaari ko na bang malaman ang iyong kasagutan?" tanong ni Angelito kaya nabalik ang atensyon ko sa kaniya.

"A-Ah... pinayagan naman ako nila Ama kaya—"

"Binibining Juliet—"

Sabay kaming napalingon ni Angelito Custodio sa biglang sumulpot na tumawag sa pangalan ko at nakita si Andong na mukhang nakakita ng multo.

"A-Ah... a-ano–ano..." saad ni Andong na mukhang nadistract nang bongga na nakalimutan niya ang sasabihin niya. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Angelito Custodio habang hinahanap ang salitang susunod niyang babanggitin.

"Ano 'yon, Kapitan Hernandez?" tanong ni Angelito.

"Maaari ko bang kausapin si Binibining Juliet dahil may importante akong kailangang sabihin sa kaniya?" sagot ni Andong kaya lumingon sa akin si Angelito.

Lumapit naman ako kay Andong at medyo lumayo kami kay Angelito.

"Nais kang makita ni Niño, binibini." bulong ni Andong at nang marinig ko palang ang pangalang Niño ay nagtatalon na sa tuwa at excitement ang puso ko.

Agad akong lumapit kay Angelito.

"Pasensiya na, ginoo pero kailangan ko nang umalis." paalam ko at nagmamadaling umalis at nilead naman ako ni Andong.

Nakarating kami sa labas at sumakay sa karwahe na hindi ko alam kung kanino. May tiwala naman ako kay Andong at kasama ko naman siya kaya hindi ako nagdalawang isip sumakay.

"Nasaan ba siya? Hindi ba siya pumunta sa opening—este—pagbubukas ng pagamutan ni Ginoong Angelito?" tanong ko kay Andong.

"Dumalo kami kanina binibini ngunit nais makipagkita ni Niño sa ibang lugar." sagot ni Andong.

Hindi na ako sumagot at titingin nalang sana sa bintana nang makuha ang atensyon ko ng isang papel na medyo naupuan ko. Kinuha ko naman 'to at nakita ang cursive na sulat-kamay na 'Juan Hernando Hernandez' sa labas ng nakafold na papel kaya inabot ko kay Andong.

Way Back To Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن