LXV

3.4K 314 36
                                    

Ilang oras na ring nakaupo lang sa tabing sapa si Juliet. Iniisip pa rin ang ilang narinig niya mula sa kubo nang pumunta siya roon pagkatapos magbihis. Kumuha siya ng maliit na bato sa tabi niya at ibinato iyon sa sapa atsaka bumuntong hininga. Kumuha pa ulit siya ng maliit na bato at ibinato iyon sa sapa.

"Makatama ka ng engkato riyan."

Agad na napalingon sa gulat si Juliet at bumungad sa kaniya ang bahagyang nakangiting si Fernan. Tumabi ito sa kaniya at kumuha rin ng maliit na bato.

"Ngunit mas mainam nang makatama ng engkanto kaysa totoong tao." sambit ni Fernan at inihagis sa sapa ang bato.

"Ano'ng ginagawa mo rito, binibini? Ayaw mo bang samahan si Niño roon?" sabi ni Fernan habang nakatingin lang sa sapa.

"Nagpapahangin lang." sagot ni Juliet atsaka pasimpleng sinilip ang itsura ngayon ni Fernan.

Alam niyang hindi maganda ang timpla nito ngayon dahil narinig niya ang pagtatalo nila ni Niño pero bahagya itong nakangiti kaya naguguluhan siya.

"Masaya ka ba talaga o malungkot?" biglang tanong ni Juliet kaya bahagyang napabuntong-hininga ang binata.

"Nangangamba." sagot ni Fernan habang patuloy lang sa pagbato sa sapa.

"Nangangamba ako, binibini ngunit masyadong maigsi ang buhay para balutin nalang ng kaba ang sarili kaya pinili kong maging masaya sa sandaling pagkakataon na nakakasama ko ang dahilan ng aking ligaya. At dahil nga maigsi lang ang buhay, kung mamamatay man ako nang maaga..."

Lumingon si Fernan kay Juliet at ipinako ang tingin nito sa mga mata ng dalaga.

"...nais ko'y sa bisig ng aking una't huling pag-ibig."

Sandaling natahimik si Juliet dahil hindi niya naunawaan ang nais sabihin ni Fernan sa dami ng sinabi nito.

"Ibig mo bang sabihin... may gusto kang dalaga?" tanong ni Juliet na hindi pa sigurado sa tanong niya.

"Tama ka riyan, binibini." sagot ni Fernan.

"Talaga? Nasaan siya? Taga-San Sebastian din ba siya?" tanong ng dalaga.

"Nandito siya, binibini." Ngiti ni Fernan kay Juliet at tinuro ang puso niya kaya naman natawa si Juliet sa kalokohan ng binata.

"Ay, hindi rin pala..." biglang bawi ni Fernan sa sinabi.

"Nasa puso pala siya ng iba." ani Fernan at napayuko.

"Anong ibig mong sabihin, Fernan? May boyfriend—este—kasintahan na ba 'yung gusto mo?" tanong ni Juliet.

"Ang ibig ko lang sabihin ay hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin. Maaaring puwede ngunit mas pipiliin nating hindi dahil kailangan nating isaalang-alang ang mas makabubuti sa nakararami." sagot ni Fernan at dahil dakilang mabagal pumick-up si Juliet, iba ang interpretasyon niya rito.

Akala ni Juliet ang ibig sabihin ni Fernan ay gusto niyang malaman ang sinabi sa kaniya ni Guillermo (gusto niyang makuha ang impormasyon pero hindi puwede dahil sinabi ni Niño na huwag) na puwedeng-puwede namang malaman ni Fernan kung itatanong niya kay Juliet pero pinili niyang huwag na dahil ayaw nga ni Niño na idamay si Juliet.

[AN: So interpretation ni Juliet:

"hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin" = gusto ni Fernan yung info tungkol sa sinabi Guillermo sa akin pero hindi niya makuha dahil kay Niño

"Maaaring puwede" = puwede naman talaga niyang kunin sa akin cuz he's a free person, he can do whatever he wants

"ngunit mas pipiliin nating hindi" = pinili ni Fernan na huwag na rin kunin yung info sa akin

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon