VI

7K 472 128
                                    

Maghapong hinintay ng binatang heneral lumabas ang dalagang napupusuan kahit pa pista ng bayan at halos lahat ng tao'y nagsasaya sa plaza ngunit magta-takipsilim na at hindi pa rin niya ito muling nasisilayan.

"Niño!" pabulong na sigaw ni Fernan na nasa ilalim ng puno sa loob ng Hacienda Cordova, sa tapat mismo ng mansiyon ng pamilya.

"Mag ga-gabi na't ilang oras lang ang pakiusap ko sa kakilala ko rito sa hacienda! Baka makaladkad tayo palabas sa lagay na ito, mukha tayong mga espiyang nagmamanman sa kuta ng kalaban!" sabi pa ni Fernan at tumayo na.

"Hayaan mo na ang kaibigan natin, Fernan. Alam mo rin namang hindi susuko 'yan hangga't hindi nasisilayan ang tala ng kaniyang buhay." Akbay ng isang matangkad na lalaking naka-uniporme rin at ikinumpas ang kamay sa kalangitan upang ilarawan ang talang tinutukoy niya.

Matangos ang ilong ng binatang ito at halata sa kaniyang maputlang balat ang dugong Kastila. Itim ang kaniyang buhok na nakaayos sa loob ng suot na banig na sumbrero.

"Ngunit ngayo'y araw ng pista! Andong, hindi ba't mas mainam na tumingin nalang ng mga naggagandahang dilag ngayon sa plaza?" sabi pa ni Fernan, hiningkayat ang kaibigan sa pamamagitan ng pagbanggit ng 'naggagandahang dilag.' Palibhasa'y mautak kaya't ginagamit ang kahinaan ng sariling kaibigan.

Naengganyo naman si Andong kaya't dahan-dahan siyang lumapit sa kaibigan, nagbabakasakaling mabago ang isip ng heneral.

"N-Niño, may punto ang kaibigan natin at... sa tingin ko... mas marami pa ang mas magagandang dalagang naroon kaysa—"

"Andong! Ayun na siya!" tuwang-tuwang sigaw ni Niño at hinila ang mga kaibigan.

Sabay-sabay naman nilang pinagmasdan ang dalagang nasa asotea ng malaking tahanan. Napanganga si Andong at nahubad ang sumbrero't inilagay ito sa kaniyang dibdib.

"Magaling ka talagang pumili, Niño." nasambit ni Hernando habang titig na titig sa dalaga at nabatukan naman siya ng kaibigan.

"Ako ang manliligaw, Andong. Baka nakakalimutan mo." banta ni Niño at tinawanan na lamang siya ng mga kaibigan.

"Teka nga, bakit hindi ko nakita sa handaan kahapon itong Binibing Cordova na ito? Mga magulang kayo." kunot-noong tanong ni Hernando at humarap kay Fernan.

"Lalo ka na, Fernan. Hinayaan mo lang maunahan ako ni Niño." May pagtatampo pa sa tono ng binata.

Natatawang napailing nalang si Fernan.

"Kasalanan pa ba naming abala ka roon sa mga dalagang taga-Maynila? Atsaka sa barko palang, nakita k—"

Natigilan sandali si Fernan atsaka nagsalita ulit.

"Sa barko pauwi rito sa San Sebastian unang nakita ni Niño si Binibining Juliet. Siya ang kinukuwento niya sayo pagkatapos ng sayawan sa barko kahapon."

"Halika na!" masiglang tawag ni Niño sa mga kaibigan at nagsipagkuhaan naman sila ng kanilang instrumento kahit pa napapailing-iling.

Ibang klase ang tama ni Niño sa dalagang ito.

Pagdating nila sa tapat ng asotea kung nasaan ang dalaga kanina ay wala na ito. Gayumpaman, nagsimula na silang tumugtog na dahilan ng pagsilabasan ng mga tagapagsilbi ng mga Cordova.

Nang magsimula nang tumugtog ng gitara sina Fernan at Hernando ay kumanta na si Niño.

"Nahanap na ngang ligaya
Sa piling mo, o kay gandang dalaga
Ikaw ang nasa isip araw man o gabi
Hindi na nga maikukubli🎶~~"

Lumabas sa asotea ang kuya ng dalagang hinaharana, si Caden Cordova. Inasahan ng mga binatang lalabas na rin ang hinaharana ngunit nabigo sila. Gayumpayan ay nagpatuloy sila sa panghaharana.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon