LI

3.5K 311 9
                                    

Juliet

"Ayan na! Napakaganda talaga!" tuwang-tuwang sabi ni Doña Isabela habang tinitignan nila ni Ina ang gown ko. Oo, yung gown na susuotin ko sa kasal namin ni Niño next month.

Remember nung sinabi kong sobrang bongga pala dapat ng kasal namin ni Fernan noon dahil nga isa siyang Fernandez na pinakamayaman lang naman sa buong San Sebastian? Well... mga 4x mas bongga lang naman 'tong kasal namin ni Niño kaya nasistress na ako.

Tanggap ko naman nang ikakasal na ako sa edad na 22 or okay, let's say 23 years old pero yung iniimagine kong kasal ay simple lang. Yung hindi masyadong magarbo, yung mga family and friends lang talaga yung witnesses gano'n pero GRABE, TOTAL OPPOSITE NITO YUNG PLINANO NILA AMA AT DON LUIS HUHU.

Sinabi sa akin nung kailan ni Pia na hayaan ko na raw dahil bongga rin daw ang kasal nila Don Luis at Doña Isabela noon at partida pa na hindi suportado si Don Alvero na tatay ni Doña Isabela sa kasal na 'yon kaya malamang lang na ganito kabongga ang kasal namin dahil 1.) full forces ang parents namin sa paghahanda 2) si Niño ang susunod kay Don Luis sa paghahandle ng San Sebastian at 3) heneral si Niño. Oh 'di ba, halos lahat dahil kay Niño.

Anyway, thursday ngayon, August 31, 1899. Alam kong matagal nang nagsimula ang paglusob ng mga Amerikano sa Pilipinas pero mukhang hindi pa sila nakakaabot sa San Sebastian at kinakabahan ako dahil paano kung anytime now bigla silang dumating, 'di ba? Kaya kinukulit ko araw-araw si Caden kung kailan makakaabot dito ang mga Amerikano pero hindi talaga niya sinasagot nang maayos ang mga tanong ko.

At dahil nga August 31 ngayon, ibig sabihin ay bukas ang birthday ni Niño at tignan niyo 'tong nanay niyang mas abala pang usisain ang bawat hibla ng gown ko kaysa party ng anak niya huhu.

Sobrang delikado nilang dalawa ni Ina pagdating sa susuotin ko sa kasal, as in! Nauna kasing dumating yung belo noon, mga last week, tapos pinabalik nila sa gumawa dahil may mas malaking butas kaysa sa iba sa may bandang dulo. Grabe, 'di ba huhu pero I appreciate their efforts siyempre. Alam ko namang concern sila sa kasal namin ni Niño kaya sila ganito kadelikado.

"Uhm... isusukat ko po ba?" tanong ko para matapos na 'to. Maghahanap pa ako ng ireregalo ko kay Niño.

"Hindi mo maaaring isuot ang iyong trahe de boda bago ang araw ng kasal, hija kundi... hindi matutuloy ang kasal." sagot ni Doña Isabela sa akin.

What? Anong connect? Paanong hindi matutuloy yung kasal porket sinukat yung wedding gown? Oh, well... better na sundin nalang sila dahil nasa 1899 nga pala ako. Strict pa sila pagdating sa mga ganitong pamahiin at kahit naman sa present ay marami pa ring strict pagdating sa mga pamahiing pinaniniwalaan nila.

"Por favor disculpa a mi hija, ella no sabe nada de esto." (Please excuse my daughter, she does not know anything about this.) sabi ni Ina kay Doña Isabela na siyempre hindi ko naman naintindihan.

"Está bien, estoy seguro de que algún día se acostumbrará a esto." (It's okay, I'm sure she will get used to this someday.) nakangiting sagot ni Doña Isabela kay Ina.

At dahil mukhang hindi na sila matatapos anytime sooner ay tumakas na ako HEHEHE!

Pasimple akong lumabas sa sala ng bahay namin kung nasaan ang dalawang doña atsaka tumakbo palayo nang may mabunggo ako.

"Binibini, ayos ka lang ba?"

Napatingala ako sa nabunggo ko at nakita ang mestisong si Andong. Nakablue siya na uniform ngayon at suot ang sumbrero nilang mga sundalo na gawa sa abaniko.

"A-Ah... ayos lang... hehe..." sagot ko.

"Para sa iyo nga pala." Abot niya sa akin ng supot na gawa sa papel.

Way Back To YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя