XII

6.1K 427 28
                                    

Juliet

"Ano'ng nangyari sa inyo?" tanong ni Don Luis sa amin at nakita kong napatingin siya kay Niño mula ulo hanggang paa at akmang magsasalita na naman pero inunahan ko na siya.

"N-Naglalakad-lakad po ako at nakakita ng lawa!" sabat ko agad kaya napatingin ang mga natitirang tao rito sa mansion sa akin.

Mukhang tapos na 'yung party at nag-uwian na ang mga bisita except sa mga pamilya namin.

"Habang pinagmamasdan ang lawa'y nadulas po ako. Buti nalang dumating si Heneral Enriquez at agad akong sinagip. Ako po ang may kasalanan, D-Don Luis." nakayukong sabi ko at hinintay ang sermon sa akin pero ilang segundo na at tahimik pa rin ang lahat kaya tumingala na ako para tignan si Don Luis at nakitang nakangiti siya.

"Kung gayon ay walang may kasalanan."

"Nauunawaan kong nais mong maglibut-libot upang maging pamilyar sa mga pinupuntahan mo, binibini." nakangiting sabi ni Don Luis.

"Kung nais mo'y mamasyal ka rin sa aming hacienda, binibini." sabi ni Don Federico na tatay ni Fernan kaya naman napalingon ako sa kaniya.

"Oo nga pala! Fernan, samahan mo bukas si Binibining Juliet sa inyong hacienda. Dalhin mo siya sa hardin ng mga mababango't magagandang bulaklak." suggest pa ni Don Luis at mukhang nagulat 'yung tatlong itlog namely Niño, Fernan at Andong.

Sandaling hindi sumagot si Fernan at tumingin muna kay Niño kaya siniko siya ni Andong atsaka lang siya sumagot.

"S-Sige po, Don Luis."

"Binibining Juliet, halika na muna't magpalit. Baka magkasakit ka niyan. Hayaan na natin ang mga kalalakihan." Lapit sa akin ni Doña Isabela na ikinagulat ko.

Napalingon ako kay Niño na nakatingin sa amin at ngumiti lang siya. Nahagip din ng mata ko si Caden at binigyan lang niya ako ng sumama-ka-nalang look.

Sumunod nga ako kay Doña Isabela paakyat sa mala-sinaunang bonggang hotel na mansion nila. Habang paakyat, nakita ko 'yung mga awards nila sa school, parehong kay Ernesto Enriquez at Niño. Grabe, parang hall of fame 'yung staircase nila sa dami ng awards at medals na nakasabit. Mukhang lagi ring inaayos at nililinisan 'yung mga nakasabit kasi wala akong nakitang ni isang alikabok.

Pagkarating namin sa second floor, ang daming pinto. Kung nasa horror movie ako at hinahabol ng multo, nagkandaligaw-ligaw nalang talaga ako rito.

"Mga bakanteng kuwarto itong mga naunang pinto para sa bisita at ang iba nama'y silid-aklatan at silid-aralan nila Ernesto at Niño." sabi ni Doña Isabela habang patuloy lang kami sa paglalakad.

"Sa kanan ay silid-dasalan ni Ernesto at ang katabi nito ay ang akin." sabi niya pa at nilagpasan na namin 'yung silid-dasalan nila.

Huminto siya bigla sa paglalakad kaya naman huminto na rin ako.

"Sa dulo ay ang opisina ni Luis at katabi nito ay ang kuwarto namin. Katapat nito ay ang kuwarto ni Ernesto na katabi lang din ang kuwarto ni Niño."

Napatingin ako sa tinuro niya kahit na hindi ko alam kung alin 'yung mga silid na sinabi niya sa dami ng pinto roon.

Binuksan niya ang pinto sa tapat namin.

"Dito ang kuwarto ko noong dalaga pa ako at narito ang mga personal na gamit ko." sabi niya kaya napalingon ako sa kaniya. Nakangiti siya habang pinagmamasdan 'yung kuwarto niya.

"Ikaw ang unang babaeng nakapasok dito maliban sa akin." sabi pa niya na ikinagulat ko.

Oo nga pala, puro lalaki ang mga anak niya.

Way Back To YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz