XXXVIII

4K 331 8
                                    

Juliet

"Binibini! Nariyan po sa baba si Ginoong Angelito Custodio!"

Angelito Custodio?

Omyghad! Angelito as in 'yung doktor na Angelito?!

"Anong ginagawa niya rito??" nagtatakang tanong ko kay Adelina.

"Nais ka raw po niyang makausap." sagot ni Adelina na halatang kinikilig-kilig pa at nang-aasar.

Grabe, lahat nalang yata ng lalaki sa bayang 'to aasarin sa akin ni Adelina.

Pagkalabas ko ng kuwarto ay nakita kong tumatawa si Ama at kasama niya sina Ina at Caden. Bakit nandito 'tong mga 'to? Bakit hindi sila bumaba?

"Sabi ko sa iyo, anak. Walang lalaki sa bayang ito ang makakaligtas sa kagandahan at kapuruhan ng iyong kapatid!" tuwang-tuwang sabi ni Ama habang tinatapik-tapik pa ang likod ni Caden kaya napailing nalang ako.

Napapailing-iling nalang din si Caden nang sabihin 'yon ni Ama hanggang sa mapansin niya ako kaya napansin na rin ako nila Ama at Ina. Agad namang lumapit sa akin si Ina at inayos ang buhok at mukha ko.

"You should go now, my dear." nakangiting sabi ni Ina at aNO RAW!? PINAPALAYAS NA BA NIYA AKO???!!!

"Dalian mo na at kanina pa naghihintay 'yung tao." singit ni Caden kaya naman bumaba na nga ako.

Pagkababa ko ay nakita ko rin agad si Angelito Custodio na nakaupo sa may sala habang hawak ang sumbrero niya at agad din naman siyang tumayo nang makita ako.

"Magandang umaga sa iyo, binibini." bati niya at bumati rin naman ako pabalik.

"Bagamat nagkakasama na tayo noon sa pagamutan ay nais kong pormal na magpakilala sa iyo ngayon." simula niya.

"Ako si Angelito Custodio." Lagay niya ng sumbrero niya sa dibdib niya atsaka magalang na nagbow.

"Juliet Cordova." magalang na pagpapakilala ko rin at tumango siya bilang tugon. Niyaya ko siyang maupo kaya ginawa naman niya at umupo naman ako sa katapat niyang upuan.

Ito na yata ang pinakamalapit na distance namin sa isa't-isa at hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ganito siya kalapit sa akin ngayon na kitang-kita ko bawat detalye ng mukha niya.

Maganda ang mga mata niyang diretsong nakatingin sa akin ngayon. 'Yung tipong bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay parang ipinapahayag din ng mga mata niya kaya kitang-kita ang sincerity sa mga ito, 'yung tipong pati mga mata niya ay nangungusap.

Maganda rin ang katamtaman niyang ilong, hindi sobrang tangos pero hindi rin pango. Pati 'yung manipis niyang labi, bagay din sa skin tone niya na hindi maitim at hindi rin maputi. Moreno siya pero 'pag tinignan mo siya ay mas maputi siya sa karamihan ng mga moreno pero 'pag clinacify mo naman siyang tisoy ay mas maitim siya kumpara sa mga tisoy. Gets niyo ba? 'Yung features niya ay hindi sobrang perfect kundi puro katamtaman at tama lang pero nang magsama-sama lahat ng features niya ang ganda ng combination kaya siguro malakas din ang dating niya sa mga kababaihan.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, binibini. Narito ko upang imbitahan ka sa pagbubukas ng aking pagamutan at nais din kitang alukan ng posisyon sa pagamutan ko." saad niya kaya natigil ako sa pag a-admire sa features niya.

Teka, posisyon? Bibigyan niya ba ako ng trabaho?

"Nabalitaan ko na nag-aral ka ng medisina sa Inglatera at sigurado rin naman akong nais mo ring gamitin ang iyong pinag-aralan kaya... tutulungan mo ba akong tulungan ang mga mamamayan ng San Sebastian?"

Bigla akong nakaramdam ng pressure nang tanungin niya ako at diretso pang nakatingin ang mga mata niya sa akin na naghihintay ng kasagutan.

"A-Ah... tatanungin ko pa sina Ama at Ina k-kung ano... kung papayagan nila ako." sagot ko at nakita ko naman siyang tumangu-tango, pinapahiwatig na naiintindihan niya.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now