IV

8K 495 71
                                    

Juliet

Napailing-iling ako atsaka kumalas sa pagkakahawak niya sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang siya nakitang nakahandusay sa lapag at duguan.

"May problema ba, binibini?" tanong niya at bakas sa mukha niya ang pag-aalala't pagtataka.

"W-Wala..." sabi ko at tuluyan nang tumalikod at tumakbo palayo sa sayawan.

Hindi ko alam kung saan pupunta dahil hindi ko naman alam ang lugar na 'to pero sinundan ko nalang kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Nakalabas ako sa napakalaking bahay ng mga Enriquez atsaka sumandal sa pader para makahinga na nang maayos. Napahawak ako sa ulo ko at pinilit burahin sa isip ko 'yung nakita ko.

Nakasuot siya ng asul na unipormeng pang-sundalo. Pareho lang ang itsura niya sa itsura niya ngayon. Ang pinagkaiba lang ay duguan siya at may mga tama ng bala sa katawan habang nakahandusay sa lapag.

Unti-unti na namang bumilis ang tibok ng puso ko nang unti-unting gumalaw ang imaheng nakikita ko sa utak ko. Parang unti-unti silang nagiging totoo.

Dahan-dahang lumalawak ang imaheng nakikita ko hanggang sa makita ko na ang marami pang mga sundalong nakahandusay din sa lapag kasama niya, lahat sila walang buhay.

Napakapit ako sa pader at umiling-iling.

Wala lang 'to. Imagination ko lang. Baka nasisiraan lang ako ng ulo dahil sa biglaang pagti-time travel ko.

"Sa Cabanatuan ba kamo papatayin ang mayabang na heneral na 'yon?"

"Oo, utos ng Señor Presidente."

Natigilan ako sa narinig ko at paatras na sana nang matumba ako dahil maliliit na hagdan na pala paakyat 'yung nasa likod ko.

"May tao?" tanong ng isa sa mga boses na nag-uusap.

Narinig ko na ang footsteps nila palapit kung nasaan ako kaya tumayo agad ako para tumakbo pero nagulat ako nang may magtakip sa bibig ko mula sa likod at bigla nalang akong binuhat. Nagpumiglas ako habang tumatakbo siya na takip pa rin ng isang kamay niya ang bibig ko at bitbit ako sa isa pa niyang braso. Malakas siya kaya hindi ako masyadong makagalaw.

Nakikita ko 'yung dinadaanan namin at nakitang nasa medyo madilim na parte na kami ng hacienda kaya nang makahanap ako ng tiyempo, kinagat ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko kaya nabitawan niya ako. Humarap agad ako sa kaniya at hinatak ang kwelyo niya habang dinadaing pa niya 'yung sakit ng kamay niya dahil sa pagkagat ko.

"Papatayin mo ba ako, ha?!" matapang na sigaw ko sa kaniya at inilapit pa siya sa akin.

Siyempre hindi ako puwedeng mamatay sa panahong 'to at baka patay na rin akong makabalik sa present! Atsaka first day ko palang dito, mapapatay na ako? No way!

Nang makita ko na ang mukha niya, bakas sa mga mata niya na gulat na gulat siya at napalunok pa siya ng laway. Dahil na nga rin napatingin ko sa lalamunan niya pagkalunok niya, napababa na ang tingin ko sa damit niya at nakitang nakauniporme siya na katulad kay Heneral Enriquez.

Shet. Heneral ba siya?

This time, ako naman ang napalunok.

Mukhang mapapatay nga ako sa first day ko sa panahong 'to, ah.

Nabitawan ko siya at pinagmasdan pa ang mukha niya. Mukhang magkasing edad lang sila ni Heneral Enriquez. Oh well, ano pa bang ie-expect ko? Mga batang heneral ang nasa panahong 'to.

"H-Heneral?" mahinang tanong ko na narinig naman niya.

Umiling-iling siya atsaka ngumiti nang kaunti.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now