XXXIV

4.5K 348 19
                                    

Juliet

"Nais ko sanang maging abay sa kasal niyo kung mamarapatin ninyo, Fernan at Juliet." sabi ni Rosario na kasabay naming maglakad ngayon.

Actually, sabay-sabay kaming apat maglakad dahil maluwag naman ang kalsada at para sa mga tao lang talaga. Malamang kung sa present namin 'to ginawa, eh nasagasaan na kaming apat ng rumaragasang sasakyan dahil sakop namin halos buong kalsada.

"Naku, Señorita! Kung gayon ay hindi mo maaaring maging kapares si Heneral Niño bilang abay dahil baka hindi kayo magkatuluyan." singit nung tagapagsilbi nitong ni Rosario na kanina pa rin nakikiusyoso.

Kung si Rosario kanina pa bini-bring-up 'yung kasal namin ni Fernan, kanina pa rin nagpaparinig 'tong si Rosita na tagapagsilbi niya tungkol kay Niño at Rosario at itong si Niño naman, pangiti-ngiti lang.

Ano, nag-e-enjoy siya? Nag-e-enjoy siya? Tuwang-tuwa pang pinapartner siya lagi kay Rosario. Pwe!

Kanina pa kami naglalakad-lakad at ewan ko ba kung anong balak nitong Rosario na 'to sa buhay niya dahil puro daldal lang naman ginawa niya mula kanina at ni wala pa kaming nagagawa rito sa plaza kundi maglakad.

"Ano ka ba naman, Rosing! Wala naman kaming kahit anong relasyon ni Niño kundi bilang magkababata lang." pabebe na sabi ni Rosario habang kinikilig na pinaglalaruan 'yung panyong hawak niya.

"Oo nga pala, hindi ba't si Ginoong Caden ang iyong unang pag-ibig, Rosario?" biglang tanong ni Fernan pero halata sa mukha niyang nang-aasar siya.

OMG. Caden as in Caden Cordova? Caden Cordova na kuya ko??

"Ano ka ba naman, Fernan! Ngayon mo pa sinabi 'yan sa tapat ni Binibining Juliet." nahihiyang sabi ni Rosario at nagtakip ng bibig gamit ang pamaypay niya.

Ayan, siguro naman titigil na siya sa pagku-kuwento ng kabataan nila.

Kanina pa kasi nga siya daldal nang daldal tungkol sa mga childhood memories nila palibhasa alam niyang hindi ako makakarelate at ma-O-OP ako kasi nga magkakababata sila.

Puro pa siya, 'baka hindi mo alam Juliet noong araw... blahblahblah...', 'ay, naku! Kung alam mo lang Juliet noon... blahblahblah...' at kung anu-ano pa na halatang pinapamukha niya talaga sa akin na hindi ako kasama sa mga memories nilang 'yon.

Or ewan ko... siguro mabait naman talaga si Rosario pero ako lang 'tong malisyosong palakang nag-iisip ng masama kasi naiinggit ako at hindi nga ako makarelate. Magkababata kasi sila, kilalang-kilala nila ang isa't isa at marami silang pinagsamahan samantalang ako, sa panahong 'to... isa lang akong dalagang nagmula sa Inglatera at walang alam na kahit ano tungkol sa bayang 'to o sa mga mamamayan nito.

"Ikaw ba Heneral Niño, sino ang iyong unang pag-ibig?" biglang singit na naman ng tagapagsilbi ni Rosing.

Nang marinig ni Niño 'yung tanong, nagulat ako nang automatic na lumingon ang ulo niya sa akin at ngumiti.

"Isa siyang napakagandang dalaga na hindi magkamayaw ang mga kalalakihan masilayan lang ang kaniyang natatanging ganda."

"Hmm... mukhang kilala ko ang tinutukoy mo ah, Heneral..." pang-aasar ni Rosing at pasimpleng siniku-siko si Rosario.

"Talaga ba?" tanong ni Niño at inalis na ang tingin sa akin, ibinaling niya ang paningin kay Rosing at halatang kinilig pa si Rosing nang magtama ang mga tingin nila ni Niño.

Jusko, sino ba naman kasing hindi kikiligin eh grabe rin 'tong kagwapuhan ni Niño.

"Oo naman, Heneral! Kasama natin siya ngayon, hindi ba?" tanong ni Rosing na may pang-aasar pa rin ang tono.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon