LIII

3.3K 301 12
                                    

Juliet

Nagsimula nang tumugtog ang mga musikero para sa sayaw kaya nagsimula na rin kaming magsayaw ni Niño kasama ang iba pang mga tao.

Habang nakahawak ang mga kamay at patuloy kaming nagsasayaw, hinayaan ko lang lusawin ako ng mga titig niyang tumatagos sa buong pagkatao ko. Ewan ko ba bakit hindi namin magawang alisin ang tingin namin sa isa't-isa. Pakiramdam ko matutunaw na ako sa mga titig niya pero nakikipag-titigan pa rin naman ako. Ang baliw ko rin eh, 'no?

"Maligayang kaarawan." bati ko sa kaniya at kumurba naman agad ang mga labi niya dahilan para lumubog ang dimple niya.

"Salamat, binibini." pagpapasalamat niya at finally ay nagawa ko na ring alisin ang tingin ko sa kaniya para itago ang kilig ko.

Namention ko na ba kung gaano kasarap pakinggan ng boses ni Niño? Ang ganda ng boses niya kahit nagsasalita lang tapos parang ang ganda ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya dahil sa paraan niya ng pagbigkas nito. Malinaw at maayos. Nakakaturn-on. Char!

"Puwede bang magsalita ka lang?" sabi ko habang nakatingin sa dibdib niyang katapat ng mukha ko at amoy na amoy ko siya dahil nakatapat ang ilong ko sa chest niya. Grabe, ang bango niya talaga.

Bahagya siyang natawa sa sinabi ko.

"Kung iyan ang nais mo'y gagawin ko, binibini."

"Dahil hiniling mong magsalita lang ako, kukunin ko na ang pagkakataong ito upang sabihin ang mga bagay na nais kong sabihin nang personal." sabi pa niya kaya napatingala ako sa kaniya.

"Ikaw ang tala ng aking kalangitan." saad niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata niya na parang may gustong sabihin maliban sa mga lumalabas sa bibig niya. Natigilan ako saglit nang marealize na kumakanta pala siya.

"Ikaw ang aking liwanag sa gitna ng kadiliman." kanta pa niya bago ako umikot.

Pagkabalik ko sa mga bisig niya, bumulong siya sa akin.

"Ikaw ang rason kung bakit ako lumaban, lumalaban, at lalaban."

"Sapagkat naniniwala akong magkikita tayong muli sa dulo ng walang hanggan."

Habang sumusunod pa rin sa steps ng sayaw, napaisip ako. Siya lang ba ang gumawa ng lyrics na 'yon?

Inanalyze kong mabuti.

Tala raw ako at liwanag... mukha ba akong bumbilya?

Atsaka ano raw? Ako ang rason bakit siya lumalaban? Hindi ko na talaga gets. At ano 'yung sense ng magkikita kami sa dulo ng walang hanggan?

First of all, kapag sinabing walang hanggan o infinity, ibig sabihin walang katapusan, walang dulo. Kaya ano 'yung sinasabi niyang magkikita kami sa DULO ng WALANG HANGGAN?? Minsan 'di ko alam kung nag-iisip 'to si Niño, eh. Tsk. Gwapo pa naman.

"Ikaw ang rason ko, Juliet." sabi pa niya at nang magtama ang mga tingin namin sa pagkakataong 'to ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Bigla ring nag-init ang mukha ko.

Omygosh! Nilalagnat na ba ako? Pati ba immune system ko hindi na kinaya ang kagwapuhan ni Niño??

Pagkatapos ng sayaw ay dali-dali akong hinila ni Niño kung saan sa labas ng mansion nila.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang tumatakbo pa rin kasama siya.

"Kahit saan basta't malayo sa kanila." sagot niya.

Magrereact pa sa ako nang may tumamang manipis na sanga ng puno sa leeg ko. Ouch!

Napahinto rin naman si Niño nang maramdaman niyang hindi na ako sumusunod sa kaniya.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now