XXV

4.4K 365 19
                                    

New book cover in the media above! Thank you so much, skylophilia 💖

♤♤♤

Juliet

"Ito ang realidad mo ngayon, Juliet." sabi ni Caden. Nasa terrace kami ngayon at kakatapos lang kumain.

"Hindi mo ba talaga alam na... magbabago ang kasaysayan sa biglang pagsulpot ko rito?" tanong ko.

Napalunok siya bago nagsalita.

"Ang orihinal na plano ko ay panatilihin ang mga kaganapan kagaya ng nakaraan habang isinasagawa ko ang misyon ko. Pero dahil may nagmamay-ari na ng bagay na kailangan ko, kailangan ko na rin ngayong iligtas ang bagong may-ari nito at kaakibat no'n ang mga pagbabago sa magiging takbo ng nakaraan kaya... gusto kong maging handa ka sa mga maaaring pagbabago sa kasalukuyan." explain niya at hindi naman ako nakasagot agad.

Feeling ko sinabi lang ni Caden na hindi na mababago ang nakasulat sa kasaysayan kasi ayaw niya akong mag-alala noon pero ngayon... kailangan na niyang sabihin para mag-ingat na ako sa mga ikinikilos ko.

"Kung sakaling magtagumpay ako sa misyon ko, babalik tayo sa kasalukuyan at hindi na mahahalata pa ang existence natin sa panahong 'to pero kapag hindi... mata-trap ka rito. Ito na ang magiging permanente mong realidad at mabubura ka sa kasalukuyan." sabi pa niya na nakapagpataas sa mga balahibo ko.

Hindi ako puwedeng matrap dito.

"May puwede ba akong maitulong sa misyon mo?" tanong ko.

"Sa ngayon, wala. Gusto ko lang na lagi mong tatandaan na ito ang realidad mo ngayon at huwag kang magpapadalos-dalos."

Kinabukasan, maaga akong pinagising ni Caden at pinag-ayos.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang makababa na kami sa hagdan at palabas sa pinto.

"Susunduin natin sina Ama at Ina." casual na sagot niya at inayos pa ang kuwelyo niya bago tuluyang lumabas ng pinto samantalang napahinto ako sa paglalakad.

Oh, noes. Don't tell me...

Humarap sa akin si Caden na nakataas ang isang kilay with a what-are-you-doing? look. Napailing-iling ako at aakyat na sana ulit nang maabutan niya ako at hilahin palabas.

"Cadeeeen! Hindi ko sila kilalaaaaa! Ayaw ko! Ayaw ko!" Kapit ko sa may pintuan habang hinihila ako ni Caden pababa ng steps papuntang karwahe.

Uuwi raw sina Don Horacio at Doña Faustina! Hindi nila ako puwedeng makita huhu. As if naman kilala nila ako, 'di ba? Baka mapalayas pa ako at masabihang impostor.

"Ano ba, Juliet! Umayos ka nga!" pabulong na saway ni Caden sa akin.

"Kapag may nakakita pa sa'yong tagasilbi, mapagkakamalan ka na namang baliw!" dagdag pa niya.

Oo nga pala, napagkamalan akong baliw dati dahil sinampal ko ang sarili ko sa harap nila Adelina at Manang Felicitas. Eh, sa gusto ko lang namang malaman kung nananaginip lang ako.

Bumitaw na ako sa pagkakakapit sa pinto at sumunod nalang kay Caden. Hindi naman siguro ako ilalagay sa panganib ni Caden, 'di ba?

Buong byahe, halos humiwalay na ang espirito ko sa katawan ko sa sobrang kaba. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko at ewan ko ba bakit pachill-chill lang 'to si Caden.

Anong ipapalusot niya? Kapatid niya akong hindi nila ginawa? Kapatid niyang parang kabuteng bigla nalang sumulpot, gano'n?

Nasi-stress na ako sa nangyayari at pasight-seeing sight-seing lang 'tong si Caden mula sa bintana ng karwahe.

Way Back To Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें