LXVII

3.3K 300 5
                                    

Juliet

"Gising ka na pala, binibini. Halika na at tanghali na."

Napalingon ako sa boses ni Andong at bumungad nga sa akin ang mestisong kapre na 'to.

"Si Niño?" tanong ko.

Kalalabas ko lang ng kubo kung saan nagsi-stay si Niño at pagpasok ko kanina, wala na siya. Hindi naman siya puwedeng umalis nalang bigla dahil fresh pa ang sugat niya kaya nasaan kaya 'yun?

"May pinuntahan sila ni Fernan, binibini." sagot ni Andong at inalalayan akong sumakay sa karwahe.

"Saan sila pupunta? Atsaka hindi pa magaling si Niño, bakit siya umalis agad?" tanong ko. Umupo si Andong sa tapat ko at umandar na ang karwahe.

Ayaw ko pa sanang umuwi dahil hindi pa magaling si Niño pero natanggap ko ang sulat ni Caden kagabi at sinabi niyang umuwi na ako. 'Yun lang talaga ang sinabi niya pero ewan ko ba bakit ako sumusunod.

"Alam mo namang mapilit si Niño, binibini. Pero may tiwala naman ako sa kaniya kapag sinabi niyang kaya niya kaya hindi ko na siya pinigilan pa." sagot ni Andong.

"So, saan nga sila pupunta?" tanong ko at muling nanahimik si Andong.

"Tingin mo ba wala akong alam ni isa?" sabi ko kaya nabaling ang atensiyon niya sa akin.

"Puwedeng hindi ko alam lahat pero may iilan akong alam, 'no. Katulad nalang na nasa panganib pa rin ang buhay ni Niño, sino 'yung mga tao sa likod nito, ano 'yung dahilan, at kung anu-ano pa."

Napangiti si Andong na mukhang natatawa nalang sa kakulitan ko. 'Yung ngiti na nagsasabing, 'k. payn. sige na sasabihin ko na huwag ka nang makulit diyan.'

"Nais ni Niño makausap mismo ang nagtago ng telegrama bago pa man ito makuha ni Fernan." sagot ni Andong.

"Huh? Telegrama?" tanong ko.

"Oh, akala ko ba alam mo?" mapang-asar na sabi ni Andong kaya sinamaan ko siya ng tingin na tinawanan lang niya.

Lumapit siya sa akin at bumulong.

"Nakuha ni Fernan mula sa mga Luna ang telegramang ipinadala ni Aguinaldo."

O. M. G.

TEKA! WAIT! SANDALI!

Pero sa panahon kung saan ako galing, halos kakadiscover palang ng mga Pilipino sa telegrama na 'yun pero ngayon... omyghad! I'm witnessing a change in history here!!!

Wait... okay lang ba 'yun? Okay lang ba na magbago nang ganito kalaki ang kasaysayan ng Pilipinas?

Napatingin ako kay Andong na mukhang kanina pa ako tinititigan dahil mukhang nagtataka siyang bigla akong natahimik.

"Andong, sa tingin mo ba... ayos lang magbago ang lahat?" tanong ko.

Napaupo siya nang maayos atsaka nagcross-arms.

"Kung ikabubuti ng nakararami, bakit hindi?"

Napatangu-tango nalang ako atsaka napatingin sa may bintana kaya napatingin din si Andong sa direksyong tiningnan ko. Napatingin ako sa kaniya nang maramdaman kong ngumiti siya at oh my... nakangiti nga siya!

Mukhang napansin niyang nakatitig ako sa kaniya kaya napatingin siya sa akin pero hindi nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Nakita mo ba 'yong mga tutubi? Ang gaganda nila, hindi ba?" sabi niya kaya naman napatingin ulit ako sa labas ng bintana at woah! May mga tutubi nga sa damuhan!

Napasandal si Andong.

"Mahilig kaming manghuli ng tutubi noon, kami ni Niño, habang nagtatanim si Fernan." nakangiting kuwento niya na para bang ang saya-saya talaga ng mga araw na 'yun.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now