LVIII

3.1K 292 14
                                    

Juliet

"Wala pa ba si Paeng?" tanong ko.

"Puwede ba Juliet, umupo ka lang sa isang tabi dahil sa loob ng isang minuto, naka-28 beses ka nang tanong sa akin kung nandito na ba si Paeng at wala pa nga siya, Juliet! Wala pa siya!" sagot ni Caden na nandito ngayon sa kuwarto ko na mukhang nasi-stress na rin sa akin.

"Kumalma ka nga." Hawak niya sa magkabilang balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Paano ako kakalma? Hindi ko nga alam kung 'yun pa rin ba ang kamatayaan niya o iba na at kung iba na, paano ko malalaman? Paano ko mapipigilan?"

Kailangan kong pigilan ang pagkamatay ni Niño lalo pa't... hindi pa maganda ang naging pagkikita namin kagabi.

"Juliet, anong klaseng tao si Niño Enriquez?" bigla niyang tanong kaya natigilan ako.

Huh? Anong 'anong klaseng tao si Niño Enriquez?' tinatanong nitong si Caden?

"Sabihin mo sa akin kung anong klaseng tao siya." saad niya.

"Well... magaling siyang sundalo, mabait, may malasakit, gwapo, matangkad, mabango—"

"Kailangan ba siya ng mga tao?" putol niya sa dami ng sasabihin ko.

"Ha? Ano ba 'yang tinatanong mo? Anong connect niyan sa concern ko?" tanong ko.

"Wala naman. Iniisip ko lang ang purpose ng pagpunta mo sa panahong 'to."

Mas lalong napakunot ang noo ko.

"Anong purpose? Wala namang purpose ang pagpunta ko rito. Aksidente nga lang akong napunta rito, 'di ba?"

"You really think that accidents do happen, don't you?" Lapit niya sa akin kaya mas lalo pa akong naguluhan.

Ano bang pinagsasabi nito?

"Teka para makatulong ka naman, sabihin mo sa akin kung kailan mamamatay si Niño at paano." sabi ko.

"Namatay siya sa gyera kasama ang mga kapwa niya sundalo." sagot naman niya.

"Kailan?"

"August 5, 1899."

"August? Pero September na, Caden! Mag O-October na nga, eh!"

"Ibig sabihin lang nito ay nagbago na ang nakaraan." simpleng sagot niya.

"Ha?? Edi paano ko malalaman kung kailan siya mamamatay? Paano ko mapipigilan ang kamatayan niya?"

"Ikaw lang ang nakakaalam niyan, Juliet. Ikaw ang nanggaling sa hinaharap."

"Galing ka rin naman sa hinaharap!" agad na sagot ko.

Umiling-iling siya.

"Hindi ako normal na tao, Juliet... wala akong kinabibilangang oras at panahon."

"Ha? P-Pero... paano ko malalaman kung kailan siya mamamatay sa bagong takbo ng nakaraan?"

"Ikaw lang ang makakasagot niyan, Juliet. Ikaw lang ang may kakayahan magbago ng nakaraan." sagot niya na mas nakapagpastress sa akin.

Paano ko malalaman, eh tapos na pala 'yung araw na kinatatakutan ko at iba na ang naging takbo ng mga pangyayari sa panahong 'to?

Pero teka... bakit nagbago ang nakaraan, eh wala naman akong ginagawa?

"Walang ginagawa? Lahat ng kilos at mga salitang binibitawan mo rito ay nagdudulot ng pagbabago sa panahong ito, Juliet. Sinabi ko na ito sa'yo noon."

"Lahat ng... kilos at salita ko? So, 'yung pagkapostpone ng kamatayan ni Niño... ako rin ang may gawa?" tanong ko at tumangu-tango siya.

"Pero paano ko nagawa 'yun?" nagtatakang tanong ko.

Way Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon