XVI

5.1K 415 7
                                    

Juliet

"Narito na po si Señor Caden." anunsyo ni Manang Felicitas kaya kumaripas ako ng takbo papunta sa pinto ng mansion at sinalubong si Caden.

Nang makita niya ako, binaba niya ang dalawang maletang bitbit niya sa magkabilang kamay at sinenyasan sina Manang at 'yung lalaking nagbababa ng mga gamit niya mula sa karwahe na iwan muna kami.

"Saan ka nanggaling, ha? Bakit mo ako iniwan?" nakacrossed-arms pang tanong ko.

Tinanggal niya ang sumbrero niya at napacrossed-arms din.

"Hindi ba't nag-enjoy ka naman?"

Natigilan ako at napakagat nalang sa labi ko. Shet. Nahuli yata ako, ah.

"Hay nako, totoo nga ang kasabihang kapag wala ang pusa ay naglalaro ang mga daga." sabi niya na papadyak-padyak pa ng right toe sa lapag.

"Ahehe... kamusta naman byahe mo? Pagod ka ba? Nako, napagod ka yata! Magpahinga ka na, hehe." sabi ko kaya natatawang napailing-iling nalang siya.

"Pero... bakit ka nga biglang pumuntang Maynila?" tanong ko at biglang parang may naalala siya kaya napalitan ng pagkadismaya ang expression sa mukha niya.

Naglakad siya papunta sa sofa atsaka umupo kaya umupo ako sa tabi niya.

"Inasikaso ko ang misyon ko, 'yung dahilan kung bakit kailangan kong bumalik sa panahong 'to." sagot niya.

"Hmmm... mukhang wala kang progress based sa expression mo." sabi ko naman kasi mukha talaga siyang naluging talong pagkatanong ko kung bakit siya umalis.

"Hindi naman sa walang usad dahil nalaman ko naman na may bumili na sa bagay na kailangan kong makuha kaya lang... ayun nga, hindi ko na ulit alam kung nasaan na 'yun." sabi niya.

So... hindi niya nabili 'yung mga kailangan niyang bilhin pero grabe, ilang malalaking mga maleta 'tong dala niya, oh.

"Mga alahas 'yan." sabi ni Caden na mukhang nabasa 'yung iniisip ko.

"Mga alahas? Anong gagawin mo riyan? OMG! Don't tell me ikaw 'yung parang mga kontrabida sa TV na may mga illegal dealer ng mga alaha—-

Napitik naman ni Caden 'yung noo ko bago ko pa matapos ang sinasabi ko kaya napahawak agad ako rito.

Ang sakit niya pala pumitik! Kawawang noo huhu.

"Kilala ang pamilya Cordova bilang mga mang-aalahas. Ihahanda ko na 'to mamaya dahil magpupuntahan ang mga mayayamang tao sa San Sebastian dito para mamili ng mga alahas sa atin." sabi niya.

"Eh? Pero ang lawak ng mga sakahan—"

"Pangalawang negosyo lang natin ang pagsasaka, Juliet." agad na sabat niya sa sasabihin ko kaya napatangu-tango nalang ako.

Ang yaman pala ng mga Cordova.

"Pamilya Fernandez ang pinakamayamang pamilya sa San Sebastian at sumunod na ang mga Cordova. Halos kasabayan ng mga Cordova dumating ang mga Hernandez sa bayang 'to kaya naman palawakan sila ng mga lupain. Malawak man ang lupain ng mga Hernandez at Cordova, mga Fernandez ang may pinakamataas na naluluwas na mga pananim papuntang Europa at iba pang mga bayan sa Pilipinas kaya naman malaki talaga ang kita nila kaya marami rin silang mga tauhan." kuwento ni Caden.

"Woah... so dati palang nandito na 'yung Big 4 Families? Mga Sebastian kasi siyempre sila nga 'yung nakadiscover sa lugar na 'to tapos mga Fernandez na sinundan ng mga Cordova at Hernandez?" tanong ko at tumangu-tango siya bilang tugon.

"Edi dapat pala Cordovez nalang apelyido natin? HAHAHA!" joke ko.

*Krooo~ Krooo~*

"Ano?" kunot-noong tanong ni Caden after 123456789 years na pag-aanalyze niya nung sinabi ko.

Grabe, ang slow ng lolo niyo!

"Wala!" sabi ko nalang at sumimangot.

Nagulat ako kasi biglang nilapat ni Caden ang likod ng palad niya sa noo ko.

"May sakit ka pa ba?" tanong niya at ewan ko pero sa mga oras na 'to, pakiramdam ko kuya ko na talaga siya.

"May sakit ka raw kahapon, 'di ba? Kaya umuwi ka na agad galing sa Hacienda Fernandez." sabi pa niya at binaba na ang kamay niya.

"Okay naman na ako. Nagpahinga na agad ako kahapon pagkauwi ko at maghapon ngayong araw." sagot ko.

"O sige, mag-aayos na ako ng mga ibebenta mamaya. Magpahinga ka na riyan." sabi niya at tumayo na kaya tatayo na rin sana ako para sabihing tulungan ko na siya pero kakaangat palang ng puwet ko sa sofa ay lumingon na agad siya at binigyan ako ng sinabi-kong-magpahinga-ka-lang-diyan look kaya umupo na ulit ako.

♤♤


Maaga kaming naghapunan ni Caden dahil nga may dadating na mga mamimili pero kumakain palang kami ay may dumating na kaya naman nagmadali na kami sa pagkain at inasikaso na sila.

Grabe, iba rin pala talaga 'to si Caden at kahit pa 'yung mission niya talaga 'yung rason ng pagbalik niya sa panahong 'to, eh pinapanindigan pa rin niya 'yung cover niya na siya si Caden Cordova na anak nila Don Horacio at Doña Faustina... at gano'n din ako.

"Susmaryusep! Napakaraming tao, pati mga galing sa ibang bayan ay nandito." nasabi ni Manang na pinapanood si Caden na abala sa pagkikipag-usap sa mga tao habang 'yung iba naman ay naglilibut-libot at pinagmamasdan ang iba pang mga alahas na nakadisplay.

Hindi naman delikado kasi may mga nagbabantay na guardia bawat lamesa at ayun nga, nandito kami ngayon nila Manang at iba pang mga tagasilbi at nagmamasid din kung may mangangahas bang magnakaw.

Kanina kasama ako ni Caden sa pagbati sa mga dumadating pero pinagpahinga na ako ni Caden dahil baka raw mabinat ako. Umupo ako sa 'di kalayuan sa kaniya at pinagmasdan ko nalang siyang makipag-usap sa mga tao.

Sa totoo lang, ang gwapo talaga ni Caden lalo na ngayon at ang ganda-ganda rin ng bagong amerikana niya na binili niya rin pala sa Maynila na inangkat pa mula Europa.

Nang ma-bore na ako, nagpaalam na ako kanila Manang at umakyat na sa kuwarto ko. Humiga ako sa kama pero hindi pa rin ako nakuntento kaya lumabas ako sa terrace.

Malamang kung nasa present ako at nabobore nang ganito, nagti-Twitter na ako ngayon o kaya Facebook o kung anong mga games.

Pinagmasdan ko nalang ang hindi ko na makitang tanawin dahil madilim na at pinakiramdaman ang malamig na hangin. Madilim na kaya halos black lang talaga majority ng nakikita ko pero may ilang mga bahay kubo na bahay ng mga magsasaka ang may ilaw sa loob kaya may iilang mga puno akong nakikita.

Nagulat ako nang makakita ng gumagalaw-galaw na ilaw kaya pinagmasdan ko 'yun nang mabuti at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang tatlong itlog.

♤♤

Maraming salamat sa pagbabasa!

General Simeón Ola y Arboleda (1865-1952)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

General Simeón Ola y Arboleda (1865-1952)

Votes and comments are highly appreciated! 💙

- E

Way Back To YouWhere stories live. Discover now