XXXV

4.3K 370 52
                                    

Juliet

"Nasa hustong gulang naman na sina Fernan at Binibining Juliet upang magpakasal kaya't bakit hindi sila ang magdesisyon para sa kanilang pag-iisang dibdib?" sabi ni Ernesto Enriquez or should I say Padre Ernesto na katabi ngayon ni Fernan na ngayon ko lang rin nakita nang close-up as in close-up na nakikita ko nang mabuti 'yung brownish niyang mga mata na katulad ng kay Niño at sobrang gwapo rin pala talaga niya.

Grabe, Father! Bakit ka nagpari? Huhu joke lang po, Lord. Peace!

So ayun nga, sobrang bongga pala ng kasal namin ni Fernan kaya pala kasama si Don Luis sa planning kasi may mga para-parada pa at parang magiging fiesta ang kasal namin.

Oh, well... what do I expect? Fernandez at Cordova ang ikakasal.

Pero tama si Padre Ernesto! Bakit ba kasi hindi kami ang pagdesisyunin nila eh kami naman 'tong ikakasal at desisyon naming walang kasal ang magaganap dahil hindi naman talaga kami mag-boyfriend!

Kung puwede ko lang talaga basta sabihin 'yan, eh 'no... kaya lang baka makalbo ako nila Ama at Ina kapag ginawa ko 'yun.

Napatingin ako kay Fernan na katapat ko lang sa table. Kanina pa siya mukhang nag-iisip nang malalim at mukhang nasi-stress na rin talaga siya sa mga nangyayari.

Habang nagkakaroon ng mahabang discussion ang mga thunders, pasimple kong sinipa si Fernan sa ilalim ng lamesa para kunin ang atensyon niya pero mukhang wala man lang siyang naramdaman.

Grabe, gano'n ba kalalim ang iniisip niya na hindi man lang niya naramdaman 'yung sipa ko?

Sinipa ko ulit siya at sinipa pa ulit pero hindi talaga siya natitinag. Grabe, man of steel yata ang lolo niyo!

"ehem..."

Napalingon ako kay Padre Ernesto na pasimpleng nagclear ng throat niya atsaka sumilip sa ilalim ng lamesa at ibinalik ulit ang tingin sa akin.

OMG... don't tell me...

Sumilip ako sa ilalim at nakitang binti pala niya 'yung kanina ko pa sinisipa, myghad! Lord! Ang bilis naman po ng karma huhu sorry na!

Binigyan ko siya ng I'm-so-sorry-po look at napangiti naman siya atsaka pasimpleng tumango meaning okay na.

Sumipa ulit ako sa ilalim pero this time, sure na akong si Fernan ang sinipa ko kaya napatingin naman na siya sa akin. Binigyan ko siya ng ano-na-gagawin-natin look pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin kaya sinipa ko ulit siya.

"Oh, Niño, anak! Saktung-sakto at pinag-uusapan namin ang magiging kasal ni Fernan!" Tayo ni Don Luis kaya napalingon ako sa kakapasok lang sa sala ng bahay nila na si Niño samantalang ramdam kong nanatiling nakatitig sa akin si Fernan.

Napalingon naman si Niño sa nakatalikod sa kaniyang si Fernan atsaka napatingin sa akin nang makarating siya sa hapag-kainan kung nasaan kaming lahat.

OMG. Anong gagawin ko?! Feel kong hindi maganda ang mood ni Niño sa narinig niya. Ang sama ng tingin niya sa amin.

"Hindi po ako maaaring ikasal kay Binibining Juliet." Tumayo si Fernan na ikinagulat ng lahat.

Mygulay, Fernan! Balak mo na ba talaga mag-suicide for real ngayon?!

"Wala po talaga kaming relasyon ni Binibining Juliet." saad ni Fernan na ikinagulat ng lahat. Pati na ako.

Myghad, ito na ba 'yon? Mapapatay na ba kami ng mga magulang namin ngayon?

"Hindi lang po kami agad nakatanggi noong makita kami sa madilim na bahagi nitong hacienda at hindi rin naman po mapagkakaila na kahina-hinala nga namang makitang magkasama ang isang dalaga at isang binata sa isang liblib na lugar kung kaya't nais ko pong humingi ng tawad." Yuko ni Fernan.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now