XLI

3.9K 360 30
                                    

Juliet

"For never was a story of more woe... than this of Juliet and her Romeo." sambit ko.

"Ayan ba mismo ang mga salitang ginamit ni Shakespeare, binibini?" tanong ni Niño kaya tumangu-tango naman ako.

"Parang nais ko na ring mag-aral ng wikang Ingles." sabi niya kaya naman napalingon ako sa kaniya.

"Maganda nga 'yang naisip mo."

Tama yan, Niño para hindi na ako mastress magtranslate sayo kapag napapa-Taglish ako.

"Gano'n ba? Kung gayo'n ay maaari mo ba akong turuan?" nakangiting tanong niya at bakas sa mukha niyang hinihintay niyang pumayag ako pero since hindi agad ako sumagot ay nagsalita ulit siya.

"Bilang kapalit ay maaari rin kitang turuan ng ibang wika kagaya ng Espanyol, Pranses, Italyano, Latin... at kaunting Aleman." suggest pa niya kaya napanganga nalang ako sa mga languages na pinagsasabi niya.

"Marunong ka magsalita ng..." Binilang ko kung ilan yung languages na sinabi niya.

"Limang wikang 'yon?"

"Kinailangan kong matuto ng wikang Pranses noong walong taong gulang ako sapagkat mahilig si Amang manood ng mga palabas ng mga Pranses na kinahiligan ko na rin kaya naman nag-aral ako. Noong labing isang taong gulang ako ay nag-aral ng wikang Italyano si Kuya Ernesto sapagkat pabalik-balik siya noon sa Italya kaya naman natuto rin ako at isa pa ay halos magkatunog o magkaugnay ang mga salitang Espanyol at Italyano kung kaya't madali lamang ito. May alam lang akong ilang mga pangungusap sa wikang Aleman na maaari ko rin namang ituro sa iyo kung nais mo at natuto ako ng Latin dahil nang magpari si Kuya Ernesto ay kung minsa'y nagmimisa siya sa Latin at 'di kalaunan ay nasanay na rin ako." explain niya pero hindi pa rin ako makapaniwala.

Nang ilang seconds na ay nagpo-process pa rin sa utak kong nakakapagsalita ng anim na languages si Niño ay binasag na niya ang katahimikan.

"Binibining Juliet," tawag niya kaya nabalik na ako sa realidad at nagtama na muli ang mga tingin namin.

"Ego semper amem te... etsi non revertentur." saad niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Nakangiti ang mga labi niya habang binibigkas ang mga katagang 'yon ngunit ramdam kong may tinatagong kalungkutan ang mga mata niya na hindi ko naman maintindihan kung bakit.

Pero teka, ano 'yung sinabi niya at bakit bigla siyang nagsasalita sa ibang lenggwahe jusko baka mamaya minura na pala niya ako. Naisip kaya niyang hindi ako naniniwala kaya nag-sampol siya?

"Anong ibig sabihin ng sinabi mo? Atsaka... Latin ba 'yun?" tanong ko.

Medyo madi-differentiate naman kasi 'yung mga languages based sa pag-pronounce at 'yung tunog kaya hinulaan ko kung Latin ba.

Tumangu-tango si Niño bilang sagot sa tanong ko habang bahagyang nakangiti. Nakatingin lang siya nang diretso sa mga mata ko at ayun nga, 'yung mga tingin niyang nakakatunaw ng puso. Pero bago pa matunaw ang puso ko eh kailangan kong malaman kung ano 'yung sinabi niya.

"Pero ano nga ang ibig sabihin ng sinabi mo?" tanong ko pero nanatili siyang nakatitig sa akin. Para bang nagda-daydream siya na hindi ko maintindihan. Mukhang malalim ang iniisip niya pero bahagyang nakangiti?

"Niño?" tawag ko at nagulat ako nang bigla siyang nagsalita agad.

"Pakasalan mo ako, Juliet."

Halos atakihin ako sa puso sa bigla niyang sinabi at ilang minutes ding nagprocess sa utak ko 'yung sinabi niya.

Pakasalan ko... siya?

"Baliw ka ba?" ang unang lumabas sa bibig ko na mukhang hindi niya inaasahan.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now