XXXVII

4.1K 359 11
                                    

Juliet

"Hijo, baka naman malusaw ang anak ko sa kakatitig mo."

"P-Pasensiya na po." agad na sabi ni Niño at yumuko nang kaunti atsaka nagpatuloy sa pagkain. Mahinhin namang napatawa si Ina at napailing-iling nalang si Andong na katabi ni Niño.

"Nakaka-agaw po kasi ng atensyon ang kagandahan ng anak ninyo." biglang banat ni Niño at kinilig naman ang lola niyo. Sabi sa inyo, ang haba talaga ng hair ko, eh!

"Kung gayon ay mamamatay ka sa lagay na iyan sa anak ko, hijo." sabi ni Ama at what?! Grabe naman, Ama!

"Ni hindi ka makakain dahil kamo sa kagandahan niya?" pambabara ni Ama kaya muntik-muntikan ko nang takpan ang bibig niya kaya lang sumagot muli si Niño.

"Hindi po totoo iyan, Don Horacio sapagkat simula nang makilala ko ang inyong anak ay siya na ring naging dahilan ng aking bawat paghinga." ani Niño at sandaling sumulyap sa akin.

Ewan ko ba pero tuwing nagkaka-eye contact kami feeling ko nagniningning lagi 'yung mga mata niya at 'yung mga tingin na 'yun... I don't know. It just melts my heart.

Kinikilig na pangiti-ngiti nalang si Ina habang napangiti nalang din si Ama sa kakornihan nitong si Niño at nagpatuloy na sa pagkain.

Pagkatapos kumain, hinatid namin sina Andong at Niño palabas ng bahay. Nang makita ko silang dalawa na magpaalam sa amin, feeling ko may kulang. Siguro kasi nasanay na ako na palaging magkakasama 'yung tatlong itlog, hay.

Nang makaalis na sila ay dumiretso na ako sa kuwarto ko at nadatnan si Adelina na nagpapalit ng bed cover.

"Ang weird pala na wala si Fernan, 'no?" tanong ko kay Adelina at umupo sa tapat ng lamesa kung nasaan nakapatong ang mga sinusulat ko araw-araw.

Nakita ko namang napalingon sa akin si Adelina na nakakunot ang noo.

"Ano po ang ibig sabihin ng wird, binibini?"

Omygosh! Shunga ka talaga, Juliet! Hindi nga pala alam ni Adelina ang salitang weird.

"Ang ibig kong sabihin ay... parang ano... kakaiba? Kasi, 'di ba... parang hindi sila kumpleto ngayong wala si Fernan." sagot ko habang patuloy lang si Adelina sa pag-aayos ng bed cover ng kama ko.

"Kung sabagay... pero maaari ko po bang itanong sa inyo kung nasaan si Koronel Fernan, binibini?"

"Pupunta raw ng Dagupan ang mga Fernandez para bisitahin 'yung mga kamag-anak nila tapos meron pang nabanggit si Pia tungkol sa... batang heneral ba 'yun?" sabi ko at mukhang biglang na-excite si Adelina na nabitawan pa niya 'yung isang dulo ng bed cover.

"Si Heneral Goyo po ba ang tinutukoy niyo, binibini?" tanong ni Adelina na may mga sparks na sa mga mata niya ngayon.

"Oo... yata?" sabi ko at napangiti naman nang sobra si Adelina.

"Napakakisig po ng batang heneral, binibini! Nakita niyo na po ba siya?"

"Hindi pa, eh. May picture—este—larawan ka ba niya?" tanong ko at napailing-iling naman siya.

"Pero... mas lamang ba siya kay Niño?" tanong ko at umiling ulit siya.

"Wala po ako sa posisyon upang husgahan kung sino ang mas makisig sa kanila ngunit nang makita ko noon sa Bulakan ang batang heneral ay napakarami po talagang mga dalagang humahanga sa kaniya at bali-balita rin na... may pagkababaero ito." sabi ni Adelina na halos pabulong nalang 'yung huling parte ng sinabi niya.

"Lahat naman yata ng heneral sa panahong 'to." buntong-hininga ko na malinaw na narinig ni Adelina.

"Huwag po kayong mag-alala, Binibini. Kapag naging heneral na si Koronel Fernan ay magkakaroon na rin ng heneral na mahusay, maginoo, makisig, at tapat sa iisang dalaga." Ngiti ni Adelina.

Way Back To YouWhere stories live. Discover now