XXXVI

4.3K 359 50
                                    

Juliet

"May panauhin po kayo, Señor. Aakyat daw po ng ligaw kay—"

"Hay, hayaan mo siya! Huwag niyo na akong kukulitin sa mga manliligaw nito at paalisin niyo na agad!" iritableng sagot ni Caden sa tagapagsilbi atsaka ako tinarayan.

Ay, pak! Iba rin ang lolo niyo. Napakasungit.

"Binibigyan mo ako lagi ng dagdag trabaho at sakit sa ulo." pagtataray sa akin ni Caden at nag make-face lang ako sa kaniya kaya mas naasar lang siya.

Nasa may dining table si Caden at bumalik na sa pinaggagawa niya. Ang daming nakakalat na papel sa lamesa at kanina pa rin siya nandiyan samantalang ako... ito. Walang ginagawa. Hinihintay lang bumaba sina Ama at Ina para makapagsimba na.

Napatingin ako sa hagdan para tignan kung pababa na ba sila at halos atakihin ako sa puso nang makita silang nakatayo roon. Mukhang kanina pa nakikinig at natatawa sa amin.

"Hayaan mo na ang mga manliligaw ng iyong kapatid, anak. Nais lang naman nila kunin ang pagkakataong ito." sabi ni Ama habang bumababa sila ng hagdan ni Ina.

"Pero Ama, simula nang kumalat na hindi talaga magkasintahan sina Koronel Fernan at Juliet at walang magaganap na kasal, araw-araw nalang may binatang pumupunta rito at gabi-gabi nalang may nanghaharana na hindi rin naman nilalabas nitong si Juliet kaya sino ang naaabala at may responsibilidad labasin ang mga binatang 'yon? Ako! Ako na wala namang kinalaman at ako na wala namang pakialam sa panliligaw nila!" stressed na reklamo ni Caden pero tinawanan lang siya nila Ama at Ina.

"It's your responsibility as Juliet's older brother, Caden." nakangiting sagot ni Ina.

"Ipakasal niyo nalang kasi si Juliet kay Heneral Niño at doon din naman babagsak 'yan!" Kamot ni Caden sa ulo niya at napahawak si Ama sa baba niya na para bang biglang napaisip.

"Kung sabagay... wala naman nang tatapat kay Niño. Matapang at magiting na heneral, nagtapos ng abogasya, isang Sebastian at Enriquez, maginoo, mabait, may takot sa Diyos, may malasakit sa kapwa, at may prinsipyo." pag e-enumerate ni Ama sa traits ni Niño at napatangu-tango ako sa bawat point niya.

Tama ka riyan Ama, tamang-tama!

"Wait, how about the Custodio boy... A-Angel... Angelo? He's a doctor, right?" sabat ni Ina.

"Ah, oo nga! Ang nag-iisang anak ni Pablo, si Angelito! Napakakisig, napakahusay na doktor, at magtatayo na siya ng sarili niyang pagamutan sa susunod na linggo!" tuwang-tuwang sabi ni Ama.

"Sus! Si Angelito? Aakyat ng ligaw diyan kay Juliet? Eh, hindi nga nun niligawan si Rosario na pinagkakaguluhan din ng mga binata dati." sabi ni Caden kaya inirapan ko lang siya.

"Juliet is different from Rosario. Your sister is not just beautiful, Caden. She also has a very good heart, she's kind and very considerate and to top it all, she's also a doctor." sabi ni Ina at lumapit sa akin.

Bleh Caden, Bleh!

"Tignan mo lang Caden at itong darating na linggo, pupunta rito ang Angelito Custodio na 'yan para kay Juliet. Sinisigurado ko sa iyong walang binata sa bayang ito ang hindi mabibihag ng iyong kapatid." sabi rin ni Ama at nginitian ako dahil pinagtutulungan namin ngayon si Caden.

"Your sister is the Psyche, Aphrodite, and Helen of San Sebastian." dagdag pa ni Ina at with Greek Mythology references pa talaga 'yan!

"Helen talaga..." bulong ni Caden habang inaayos 'yung mga papeles sa lamesa.

"Oo na! Lagi namang panalo bunso, eh!" sabi ni Caden at nagtawanan kaming lahat at lumabas na para magsimba.

♤♤♤

Way Back To YouWhere stories live. Discover now