T3D - Chapter 37

926 29 4
                                    

Alexy Tan PoV

Pagkabalik namin sa dorm naka amoy kami ng mabango kaya sinundan namin 'yung amoy na 'yon naabutan namin sa kusina 'yung tatlo na nagluluto.

"Bango ah, ano 'yang niluluto niyo?" Tanong ko.

"Oh andyan na pala kayo, may nakita kaming manok sa ref niyo tsaka pineapple tid bits sa cabinet kaya inadobo namin with a twist." natatawang sabi ni Cr.

"Nice, 'dipa pa ba luto? Gutom na'ko" sabi ni Arah at umupo na, kaya umupo na din kami ni Yan yan.

"Malapit na 'to Ds, sandali nalang ipaghahain kita" sabi ni Zach kay Arah.

"Sige Zachy" sabi ni Arah.

"Done" sabi ni Jacob at inilagay sa gitna ng mesa 'yung ginawa nila.

Nung nakita ko 'yung itsura naglaway ako potek.

"Mukhang masarap ah, tikman nga natin" sabi ni Arah na akmang tatayo para kumuha ng plato pero pinigilan siya ni Zach.

"Ako na Ds" sabi ni Zach at kumuha ng tatlong plato at ibinigay niya 'yung dalawa kay Charles at Jacob.

Nilagay naman nila sa harap namin 'yung plato at nilagyan ng kanin at ulam.

"Ayan pwede na kayong kumain." sabi ni Zach.

"Sabay na kayo samin, kain na din kayo" sabi ni Yan yan.

"Sige una na kayo, nagluto talaga kami para sainyo. Kakain din kami maya maya" sabi ni Jacob.

"Osige kayo bahala" sabi ko.

Nagsimula na'kong kumain, kumuha akong manok at pinutol 'yon tsaka ko nilagay sa kanin at sinubo, ganon din 'yung ginawa nila Yan yan.

Shemay, ang sarap. Ang lambot pa ng manok.

"Ano? Masarap ba ginawa namin?" Tanong ni Zach.

May naisip ako, kaya sana makuha 'to nila Arah at sakyan 'to.

"Ma---" magsasali­ta na sana si Yanyan pero inunahan ko siya.

"Hindi masarap, ang tigas ng manok tapos ang alat pa" pagbibiro ko, nakita ko namang lumungkot mga mukha nila. Binitawan ko kasi bigla 'yung hawak kong kutsara eh.

Tinignan ko naman si Yan yan at Arah tsaka ko sila kinindatan. Mukhang nakuha naman nila 'yon kaya sumakay sila sa trip ko.

"Oo nga, hindi pa masyadong malambot 'yung manok. Dapat pinakuluan niyo muna ng matagal bago niyo nilagay" sabi ni Yan yan.

"Masyado pang maalat" sabi ni Arah. Na nag acting pa na mukhang ayaw na ayaw sa ulam na nasa harap niya.

"Ganon ba? Hindi ba talaga masarap?" Tanong ni CR.

"Ikaw kasi Raven eh, pinakadami dami mo 'yung toyo" pag sisisi ni Jacob kay Raven.

"Aba ikaw nga dyan, kaagad nilagay mona 'yung manok hindi pa naman masyadong luto kaya 'yan matigas pa daw" sabi ni CR.

"Kung sana kasing hinintay niyo munang lumambot 'yung manok ede sana masarap 'yan, tsaka kung sanang hindi niyo pinakadami 'yung toyo ede sana hindi maalat" sabi ni Zach na ngayon ay mukhang dismayado sa ginawa nila.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon