T3D - Chapter 46

764 19 2
                                    

Sarah's PoV (Arah)

Pagkagising ko ay nakita ko yung boys na kumakain, nagutom yata sa pagbabantay saamin hahaha.

"Kain DS" alok saakin ni Zachy tapos nginitian ako.

Ngumiti din ako sakanya sabay sabing "sige busog pa ako" yan lang yung sinabi ko kasi hindi naman talaga ako gutom at wala akong ganang kumain ngayon, dahil gabi na din naman bukas nang umaga na daw pupunta sina Jherose, alam na nila yun kasi sinabi ko na, si Yan yan ay tulog pa ngayon tapos si Lexy kumakain, haba ng tulog ni Lexy eh hahaha.

Gabi na kasi kaya mamaya maya ay matutulog na din ako nyan, si Yan yan kakatulog lang. Ako nag ce cellphone ako ngayon, buti nga hindi pa lowbat eh kanina ko pa ginagamit.

Pagkatapos nilang kumain ay nag pahinga lang saglit si Lexy tapos natulog nanaman, hays sleepy head hahaha.

"Saan kayo matutulog?" Tanong ko kay Zachy.

"Dyan lang kami sa sofa tsaka sa bench" sagot nya.

"Eh? Kasya kayo lahat dyan?"

"Hindi hahaha, kaya ako si Waine at Haarsha mamayang madaling araw na matutulog tsaka kailangan namin kayong bantayan" this time si Gray naman yung sumagot.

"Oo, tapos kami naman nila Jacob at Raven matutulog ngayon tapos mamayang madaling araw gigising na kami"

"Eh? Nako, ayaw nyo bang bumalik nalang sa school para makatulog kayo ng dorm nyo ng maayos B3? Grabeng pang iistorbo na yung ginagawa namin eh" sabi ko sakanila, nahihiya na kasi ako eh, lagi nalamg sila yung tumutulong saamin nakaka perwisyo na kami nakakaasar pero masaya ako na nandito sila at the same time nalulungkot dahil nadamay pa sila.

"No, we insist, tsaka para na rin sa kalagayan nyo, para mas nadaming mag bantay sainyo, You should sleep now Arah" sabi ni Gray, wala naman akong magagawa diba? They insist daw eh.

"Sige Gray thank you, good night guys" sabi ko tapos natulog na, nag toothbrush na ako kanina ey tapos hindi naman ako kumain kaya nag pray na muna ako tsaka natulog na.

Gray's PoV

Hindi ako makalapit kay Arah pero ang makita syang mahimbing na natutulog ay ayos na saakin, sina Zach at tulog na din, si Haarsha nag ce cellphone gaya ni Waine, nililibang nila yung sarili nila habang ako ay nakatitig lang kay Arah, alam kong nahihirapan sila dahil hindi biro yung dinanas nila pero nag papasalamat ako sa Diyos dahil ligtas pa rin sila.

Ginawa namin yung plano, pagdating ng ala 1 nagising sila Zach at kami naman ang natulog, bago kami matulog nakita ko na umiinom sila ng kape, pampagising siguro.

----kinabukasan

Napaka aga kong nagising, masakit yung katawan ko pero hindi ko na ininda dahil baka sisihin nanaman nila Arah yung mga sarili nila at sabihing perwisyo sila pero hindi yun tutuo.

"Papunta na daw sila Jherose" sabi saamin ni Arah, gising na kaming lahat eh.

Kinausap na kami ni Haarsha kagabi na maging mabait daw kami sa mga kaibigan nila kahit ngayon lang, sumang ayon nalang kami, paki usap daw kasi ng girls yun tapos sabi ni Haarsha may sasabihin daw sya saamin pagka nakabalik na kami sa dorm pati kina Raven.

Waine's PoV

Biglang bumukas yung pinto at iniluwa nun sina Jherose at Valerie.

"Oh Jherose at Valerie nandyan na pala kayo" masayang sabi ni Lexy

"Pasensya na kung ngayon lang kami nakapunta" sabi ni Jherose at lumapit kina Lexy, Arah at Yanyan.

"Hahaha okay lang" nakangiting sabi ni Yanyan

The 3 DetectivesWhere stories live. Discover now