T3D - Chapter 30

1.1K 39 0
                                    

Rhian Dela Cruz PoV

Kasalukuyan kaming nanonood ng horror movie, hindi naman talaga ako papayag na manood eh kaso ewan ko pero parang pagka kasama ko si Jacob feeling ko safe ako.

Nagulat kaming dalawa ni Lexy kanina sa sinabi niya, parang napaka harsh ni Arah. Imean malay mo may pinag aaral pala 'yung nagbabantay kanina at dahil naalis siya ay mahirapan siyang papag aralin 'yung anak niya. Oo, mali 'yung sinabi nung nagbabantay pero hindi ko lang maintindihan. Parang sumosobra sa pagiging sadista si Arah, ilang araw narin naming napapansin 'yun ni Lexy. Hayss minsan naiilang kami sakanya, pinilit nalang namin kalimutan 'yung sinabi niya kanina.

Kanina rin ay halatang na realtalk si Arah kay Lexy. Mabuti nalang at hindi tinuloy ni Lexy ang mga sinasabi niya, kung hindi, baka nag aaway na sila ngayon.

Nanonood man kami hindi naman ako naka focus sa pinapanood dahil naka focus ako sa mukha ng binatang nasa harap ko, alam ko sweet saakin si Jacob at hindi ko maipag kakaila na crush ko siya pero hindi na muna ako aasa.

Alam ko rin na mabait si Jacob hindi lang dahil sa sinabi ni Arah na pinsan nya kundi sa obserbasyon ko nalaman ko na sobrang bait niya. Gentleman, matalino, walang arte sa katawan, masayang kasama, pala kaibigan. Full package na siya sabi nga ng iba hahaha pero hindi na muna ako aasa, naninigurado lang.

Ang lamig naman dito, nakalimutan ko kase mag jacket kanina eh, sila Arah at Lexy naman hindi yata tinatablan ng lamig, busy kasi sila sa kakanood eh. Nasa dulo ako ng upuan kaya hindi nila napapansin na hindi naman talaga ako nakaka nood.

Napalingon saakin si Jacob kaya umakto ako na nanonood, naramdaman ko ang kamay nyang humawak sa kamay ko.

"Nilalamig ka ba? Ang lamig ng kamay mo Yan." bulong ni Jacob sa tenga ko kaya lumingon ako sakanya, ops wrong move sobrang lapit namin sa isa't isa, konting galaw nalang at mag kakadikit na 'yung mukha namin. Geez buti hindi napansin ng iba dahil busy sila kakanood kaya mabilis akong umiwas ng tingin sakanya at nag baling ng tingin sa TV.

"H-hindi naman gaano." Sagot ko tumayo naman si Jacob at may kinuha sa lamesa sa gilid ko na jacket pala at sinuot niya yuon saakin. "S-salamat Jacob."

"Ayan okay na, pagka nilalamig kapa yakapin mo nalang ako." then I heared him chukled, aish nakakahiya baka namumula na ako dito.

"Balik na nga tayo sa panonood Jacob, dami mong alam hahahaa." mahinang bulong ko din kay Jacob tsaka nanood na.

Sa gitna ng panonood ay "Wahhh!" napasigaw kaming mga babae sila Lexy at Arah ay may mga hawak na unan kaso ako wala kaya.

Sarah Lopez PoV

Nakakabigla dahil biglang may lumabas na multo sa screen kaya napatili kami pero si Zachy ito tinawanan lang ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Napatingin ako kay Lexy at nakita kong may tinitingnan siya sa gawi nila Rhian at Rave habang ta tawa tawa sila kaya napatingin rin kami ni Zachy doon.

Woahhh-- ang pinsan kong si Jacob at si Yanyan ay mag kayakap, halata sa mukha ni Jacob na nagulat siya hahaha siguro nagulat si Rhian sa multo kaya napa yakap kay Jacob. Kinuhanan ko naman sila ng picture gamit ang cellphone ko hahaha mai post nga ito mamaya.

"Y-yan? W-wala na" ang gago na utal pa hahaha nag ba blush si insan omaygashh.

Bigla siyang natulak ni Yan hahaha ang cute nila putek "S-sorry, na bigla kase ako."

"O-okay lan--"

"Ebat kayo nag ba blush?" Sabat ni Lexy sabay tawa namin hahaha LT sila.

The 3 DetectivesWhere stories live. Discover now