T3D - Chapter 27

1.1K 35 38
                                    

Rhian Dela Cruz PoV

Thursday na ngayon at first subject palang namin ngayong araw, may ia-announce daw muna ang TLE Teacher namin.

"May ia-announce muna ako. Napapansin niyo naman siguro na may mga nageensayo na na mga estudyante sa bawat sports. Ito ay dahil mag sisimula na ang Intramurals natin next next week" hindi natatapos ang sinasabi ng guro namin ay nag hiyawan na ang mga kaklase ko sa tuwa.

"Silence class, patapusin niyo muna ako" kaya tumahimik ang mga kaklase ko at muling nakinig "Tatagal ang Intrams ng tatlong araw, siguraduhin niyong may participants dito sa section niyo dahil may points ang bawat participants. Ang mga sports na kasale ngayong taon ay; badminton, table tennis, volleyball, basketball, track and field, soccer at chess. Kailangan rin ng muse. Ang bawat participants ay ipe-present ang buong Grade 12 dahil bawat grade ang labanan. Ang grade 12 division narin ang bahala sa fund na kakailanganin sa pagkain at mga uniform ng mga players. Pwede na kayong mag simulang mag ensayo mamaya, excuse ang mga players. Okay class, dismiss." Sabi niya at lumabas na.

Naglakad papuntang harap si Jean na President namin sa classroom.

"Wala munang lalabas, pag usapan muna natin ang Intrams" kaya nanatili kaming naka upo.

"Sa badminton muna, dalawa nalang ang kailangan nila sa girls. Sa boys kumpleto na dahil may ibang players na sa ibang section. Raise your hand sa gustong sumali." Kaya nagtaas ang kaklase naming si Angelica at Little A "Okay Angelica and Angel" sabi niya at nagsulat sa blackboard.

"Next table tennis, isa nalang ang kailangan sa girls dahil kumpleto narin ang boys and tatlo na ang girls. Raise your hand" nakita ko namang masayang nagtaas ng kamay si Lexy. "Okay, Alexy" sabi niya at sinulat din ang pangalan sa board. Siya lang nagtaas kaya siya 'yung napili. Wala siyang nababanggit na marunong siya nun.

"Next, volleyball. Lima pa ang kailangan nila sa volleyball girls at tatlo naman sa boys" nagtaas ng kamay ang mga kaklase ko at nagsulat sa blackboard. Nagtuloy tuloy lang 'yun hanggang sa last na sport nalang. Wala pa'kong nasasalihan pati si Arah, buti pa si Lexy meron na.

"Okay last na sport na, chess. Isa lang ang kailangan, raise your hand." Nakita ko namang nagtaas ng kamay si Arah. "Okay, Sarah" sabi niya at sinulat ang pangalan ni Arah sa blackboard. Wahhhh wala pa'kong nasasalihan kahit isa, baka maging water girl ako.

"Okay last para sa muse. Botohan tayo, mag suggest muna kayo." Sabi niya. Mabilis namang nagtaasng kamay 'yung kaklase ko.

"Ikaw President"

"Hindi ako pwede dahil siguradong marami ako gagawin." Pagtanggi niya, maganda kasi siya at mabait rin.

Nakita kong nagtaas ng kamay si Arah at Lexy. "Si Sarah muna, sinong isa-suggest mo?" Tanong ni Pres.

"Si Rhian Yu Dela Cruz" masayang sagot niya at tumango naman si Pres. At sinulat ang pangalan ko sa board. Ano bang pinaplano ni Arah gusto ba niya kong mahiya, huhuhu.

"Ikaw Alexy, sino?"

"Sinabi napo ni Sarah ehh" sabi niya at tumango naman si Pres. "Sino pa?"

"Si Izzy" sabi ng kaklase ko.

"Okay, wala naba?" Tanong niya, wala naman sumagot sa mga kaklase ko. "Okay, wala na siguro. Isang beses lang magvo-vote, naiintindihan niyo?" Tumango naman kami bilang sagot.

The 3 DetectivesWhere stories live. Discover now