T3D - Chapter 2

5.3K 144 14
                                    

Alexy Tan PoV

Pag ka uwi namin ni Rhian ay nag kwentuhan muna kami sa sofa at kumain. Si Rhian ang nag luto ng pagkain namin marunong daw kase siyang mag luto at siya na rin ang nag hugas ng pinag kainan namin. Tamad ako ehh.

Pumasok na'ko sa kwarto at nag palit na ng damit at natulog.

Nagising ako sa malakas na pag yugyog sakin ni Rhian.

"Alexy gising na, baka malate pa tayo." Umupo naman ako at nag kusot ng mata.

Come on, my sleep is not enough.

"Mauna kana baka ma huli kapa sa klase dahil sakin." sabi ko kay Rhian,

"Sige, kumain kana may naka luto na dun sa kusina." pag ka sabi niya nun ay umalis na siya.

Kumuha naman ako ng damit at dumiretso sa banyo, pag katapos kong maligo ay pumunta na'ko sa kusina at kumain. Hinugasan ko na ang pinag kainan ko at umalis.

Halos takbuhin kona ang hallway para lang hindi ako ma huli sa klase mag-se 7:30 na at hindi ako pwedeng mahuli sa klase first subject panaman namin ay si Sir Paras ang math teacher namin napaka istrikto panaman nun. Pagka dating ko sa classroom ay buti nalang wala pa ang si Sir Paras.

'Salamat at wala pa' bulong ko

Umupo na'ko sa upuan ko at pumasok naman ang kaklase ko na parang hinabol ng aso sa sobrang pawis.

"Wala daw pasok ngayon dahil may aasikasuhin ang mga teachers." pag ka sabi niya nun ay nag sigawan ang mga kaklase ko dahil sa saya.

I can't believe this! Napagod akong tumakbo tapos walang pasok? Damn it!

Pinikit ko nalang ang mata ko at ipinatong ang ulo sa desk.

'Huy alam niyo bang may nag pakamatay sa dorm no. 68 kaninang umaga lang.'

Yun siguro ang dahilan kung bakit walang pasok ngayon. Wait, bakit ba nakikinig ako sa mga bubuyog na 'yon?

Habang nag aayos ako ng gamit ay nagyaya namang pumunta sa canteen si Rhian.

"Alexy punta tayong canteen gutom na kase ako." tumango naman ako.

Habang naglalakad kame papuntang canteen ay hindi ko parin maalis sa isip ko kung bakit nag suicide yung babae daw sa dorm.

Kailangan kong malaman kung anong dahilan, i just want to feed my curiosity okay? May pagka paki alamera talaga ako minsan kahit wala akong mapapala doon. Anong magagawa ko? This is me, duh.

Pag ka pasok namin sa canteen ay nag order na kami at kumain. Habang kumakain kami ay naikwento ko kay Rhian yung nag suicide na babae at mukha naman siyang walang paki alam. Right, bakit pa ako nagulat.

She's more on studying. While me? I'm more on feeding my curiosity.

"Uhm tara na Rhian punta na tayo sa dorm may aasikasuhin pa ko ehh." sabi ko dahil kailangan kong isipin yung plano ko mamayang gabi. I smirk from my brilliant thoughts.

Tumango naman si Rhian kaya nag lakad na kami.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay tumindig ang balahibo ko dahil sa pakiramdam kong may isang pares ng mapanuring mata ang nakatitig saakin. Or should I say, saamin. My brows furrowed.

At isa pa...

HINDI ITO MULTO KUN'DI ISANG TAO. Isang taong hindi ko alam ang pakay saamin. Baka naman may utang si Rhian sa taong 'yon? Hindi naman pwedeng sakin, bago pa lang ako dito!

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon