T3D - Chapter 39

867 21 8
                                    

Sarah Lopez PoV

Si Zachy muna 'yung tinuruan ni Gray ng mga pagsuntok at pag iwas.

"Sige suntok lang" sabi ni Gray kaya suntok lang ng suntok si Zachy.

Wala kaming kahit na ano mang pamprotekta sa kamay namin, para daw masanay kami sa sakit.

Kami ni Rave matagal na kaming sanay sa ganitong labanan dahil madami na kaming nakasalamuhang mga gung gong non.

Tamang suntok at sapak lang sa kalaban. Nakasanayan kona 'yun kaya kapag hinahalikan ako ni Rave sa pisngi sinusuntok ko siya bilang ganti.

Ilang sandali pa natapos na si Zachy kaya ako naman 'yung sinunod ni Gray.
Suntok ako ng suntok sakanya kaya puro siya iwas.

"Tamaan mo naman ako kahit isa lang." mayabang na sabi niya.

Tss, kala ko bang tuturuan kami dito, hindi pagyayabangan. Hambog.

"As you wish" sabi ko kaya mabilis ko siyang sinuntok ng sinuntok akala niya siguro 'yun lang kaya ko.

Pagkailag niya mabilis akong umupo at sinipa 'yung paa niya kaya natumba siya.

Lumapit ako sakanya at lumuhod akmang susuntukin ko siya pero hinto ko 'yung kamao ko sa malapit sa mukha niya.

"Ano? Gusto mopa?" tanong ko.

"Easy Arah" sabi niya kaya inilahad ko 'yung kamay ko kinuha niya naman 'yon kaya tinulungan ko siyang tumayo.

"Nice, magaling kana hindi mona kailangan pang turuan sa physical attack" sabi ni Gray.

"Tagal kona kayang ginagawa 'to" sabi ko.

"Galing mo Ds" sabi sakin ni Zachy.

"Thank you Zachy" sabi ko "Tara isa pa"

This time hindi na puro ilag ginagawa ni Gray, sumusuntok na din siya pero nakakaiwas naman ako kahit papano.

Nakatama siya sakin ng tatlong beses, habang ako naman dalawang beses lang nakatama sakanya. Nagpatuloy lang kami sa pag tetraining.

Gray Richard Solomon Pov

Gustong gusto kong iniinis si Arah dahil ang cute niya. Cute niya kayang mainis, bakit ba.

Wala paring pinagbago si Arah, malakas pa din siyang sumuntok kagaya dati nung nag tetraining pa kami.

Naka tama siya sakin ng dalawa, masakit 'yun dahil malakas suntok niya pero hindi ko iniinda.

Naka tatlo akong tama sakanya pero hindi ko masyadong nilalakasan kahit na ba alam kong malakas siya.

I miss her, i miss my girlfriend or should i say i miss my ex girlfriend.

Sana bumalik na 'yung alaala niya, miss kona talaga siya sobra. Gusto ko din 'to para makasama ko siya ng matagal.

Matitigan ko siya ng matagal, at kahit sa ganito man lang makita ko ulit 'yung magaganda niyang ngiti.

Nagpatuloy lang kami sa pag eensayo hanggang sa matapos kami at magpahinga.

Haarsha Velasco PoV

"Suntok lang Jacob" sabi ko kay Jacob kaya suntok siya ng suntok.
Malakas siyang sumuntok pero hindi gaanong mabilis. Naka upo lang si Yan yan habang pinapanood kami ni Jacob.

"Bilisan mo 'yung pag suntok mo" sabi ko kaya mas binilisan niya pa.

Mas bumilis na 'yung pag suntok niya nga 'yon kaya natamaan niya 'ko sa braso. Medyo masakit 'yun dahil may pwersa 'yung suntok niya, puro iwas lang kasi ginagawa ko.

The 3 DetectivesWhere stories live. Discover now