T3D - Chapter 26

1.2K 35 3
                                    

Rhian Dela Cruz PoV

Binuksan ko ang mata ko, ramdam kon ang sakit ng aking katawan at ang bigat ng pakiramdam ko. Napatakbo ako sa banyo dahil naramdahan kong parang mag susuka ako, nahihilo ako pero nag lakad takbo pa rin ako pa puntang banyo.

Pagkatapos kong mag suka sa may bowl ay finlush ko ito at dahandahan akong nag lakad habang naka hawak sa pader papunta sa lababo, binuksan ko 'yung gripo sabay tutok ng kamay ko tapos ay pinahid ko sa mukha ko 'yung tubig, paulit ulit kong ginawa iyon hanggang sa mag sawa ako.

Ang sakit ng ulo ko parang binibiyak, nag lakad ako habang nakaalalay sa pader papunta sa kwarto. Tulog pa yung dalawa hayst, pinilit kong dahan dahang mag lakad dahil feeling ko ay tutumba ako papunta sa gawi ni Arah, kung si Lexy kasi yung gigisingin ko hindi madaling magigising kase alam niyo naman na tulog mantika iyan kahit kailan. Linapitan ko si Arah at dahan dahang tinapik sa pisngi niya.

"Arahhhh?" Sabi ko, paulit ulit para magising niya habang tinatapik siya.

"Ugh" rinig kong sambit nito sabay kamot sa ulo niya, tapos ay bumalik sa pag kakapikit, ishh ano ba 'yan. Sige na nga hindi na muna i istorbohin puyat yata eh.

Kinuha ko si cellphone ko tapos umupo ako, nag search ako kung anong mabisang gagawin pagka may hang over 'yung isang tao.

May naka lagay dito na uminom daw ng mainit na kape or humigop ng sabaw okaya mag lagay daw ng malamig or basang bimpo sa ulo.

Dahan dahan akong tumayo tapos nilagay ko na muna sa may lamesa sa gilid 'yung cell phone ko, pumunta akong kusina, mag luluto sana ako ng noodles kaso naalala ko na hindi pala kami nakapa mili dahil naging busy kami past few days. Kaya pinili ko nalang na mag timpla ng kape.

Nag init muna ako ng tubig, ang hirap kumilos pagka ganito, kinuha ko 'yung baso tapos tinimplahan ko habang naka salang pa 'yung tubig, pag katapos nun ay umupo ako sa malapit na upuan sabay dukdok 'yung ulo ko sa lamesa.

Ilang minuto lang at kumulo na 'yung tubig na hinihintay ko, dahan dahan akong nag lakad. Malapit lang naman saakin 'yun kaya hindi ako nahirapang mag lakad. Dahil nakatimpla na 'yung kape at lalagyan nalang ito ng tubig. Tapos ay bumalik ako sa upuan. Dahan dahan ko ring hinigop 'yung kape kahit mainit pa kasi raw kailangan mainit ayun sa artikulo na nabasa ko.

"Oh Yanyan nandyan ka pala" napatingin ako sa nag salita at duon ko nakita si Arah na nakatayo sa tabi ng pader. "Hilo ka?"

"Oo, nalasing ako kagabi, hindi kasi ako sanay kaya kahit konti lang 'yung nainom ko ay nalasing ako. Parang binibiyak 'yung ulo ko." Saad ko "kape gusto mo?"

"Sige ako na mag sasangkap pahinga ka na muna dyan. Buti ako medyo masakit lang 'yung ulo ko hahahah napadami kami eh."

"Hindi na ako mag papa kalasing ng ganun, sobrang sakit sa ulo si Lexy kasi bigay ng bigay saakin nakaka hiyang tumanggi ang kulit niya eh." Sabi ko sabay higop ulit nung kape, tapos dumukdok ulit ako sa lamesa. Nabuhayan ako ng dugo ng naalala ko na may pasok pala ngayon. HALAA. Napaangat ako ng ulo. "Uy Arah anong oras na? May pasok nga pala ngayon"

Natawa si Arah sa akin, ishh ano bang nakakatawa huhu "Yan sorry hahahaha natatawa ako sa reaction mo hahahahha, wait lang hahahaha." Hala? Napapano itooo? "Hmm haha- so ayun na nga nag text kagabi si Jean (class president namin) mamayang 1 pm daw start ng klase kasi daw may seminar yung teachers." Paliwanag niya "Buti nga at sumang ayon saatin ang panahon eh hahaha, alas 7 palang naman ng umaga at ayon si Lexy tulog na tulog pa."

"Hays buti nalang, inaantok pa ako matulog na muna ako sa kwarto." Tumayo ako kaso muntik na akong matumba dahil sa hilo buti nalang at napa hawak ako sa upuan.

The 3 DetectivesWhere stories live. Discover now