T3D - Chapter 17

1.7K 55 7
                                    

Sorry po kung hindi kami naka pag update agad. Nag karoon po kasi kami ng educational tour🙇🏻‍♀️

----------

Rhian Dela Cruz PoV

"Mauna na kayo sa cafeteria, babalikan ko lang yung phone ko, naiwan kasi sa dorm." Paalam ko sakanila habang nag lalakad kami tungong cafeteria since break time na namin.

Tinanguan lang nila ako at nag lakad na ako papuntang dorm. Well malapit lang naman dito ang dorm namin.

Habang nag lalakad ay may nakita akong kumikinang sa gilid ng dinadaanan ko, nilapitan ko ito at hinawakan.

Isa 'yong silver bracelet. Kung pag mamasdan mo ito ay parang pang lalaki siya. Ang nakaagaw pansin lang saakin ay ang pangalang naka lagay dito... CINDY? Parang pamilyar pero hindi ko lang alam kung saan ko nakita or narinig, pero basta pamilyar siya.

Tumayo ako at ibinulsa na muna ang bracelet, mag lalakad na sana ako ng may tumawag sakin.

"Excuse me miss" rinig kong sabi ng isang lalaki sa likuran ko. Natigilan ako ng hawakan pa nito sa pulsuhan ko dahilan para mapalingon ako.

"May kailangan po kayo?" Malumanay na tanong ko sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko.

"May nakita ka bang--" Naputol ang pag sasalita niya ng mag ring ang phone niya. "Excuse miss, sagutin ko muna." Tinanguan ko lang siya at tinalikuran niya ako.

Napahawak ako sa kamay ko na hinawakan niya. Pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko.

"Hello" 'yan lang ang narinig ko mula sa kanya.

Kung tutuusin ay nakita ko na siya. He's part of B3, and his name is Haarsha Velasco.

Matangkad siya saakin pero just like me, siya rin ang pinakamaliit sa grupo nila. Messy yung hair niya na parang bagong gupit pa, hindi ko alam kung anong tawag sa hairstyle niya pero aaminin kong mas bumagay ito sakanya, lagi rin siyang naka poker face tuwing nakikita ko. I admit that he's cute, but he's not exactly my type.

Binaba niya ang phone niya at nag lakad palapit saakin, "Sorry miss, mauna na ko emergency lang" kagaya kanina ay tinanguan ko lang siya at sabay na kaming tumalikod.

Humigpit ang hawak ko sa bracelet na nasa bulsa ko.

Tinahak ko na ang landas patungong dorm, nang makarating na ako sa tapat ng dorm ay kinuha ko yung susi sa bulsa ko at binuksan ang pinto.

Tinago ko na muna ang bracelet sa cabinet ko at kinuha ang phone ko.

Kumuha na din ako ng biscuit dahil mukhang aabutan ako ng oras kapag nag order pa ako sa cafeteria. Pagka tapos nun ay nag lakad na ako habang kinakain yung biscuit.

Angel Guevarra

Umupo muna ako sa upuan para mag pahinga. Break time na pero eto ako, hindi pa kumakain dahil hinahanap ko si Miss Beverly na english teacher namin para i submit yung assignment ko, nawala kasi kanina.

Tumayo na ulit ako at nag lakad papuntang conference room para tingnan kung nandoon si miss Beverly, at hindi nga ako nag kamali, sa hinaba haba ng nilakad ko ay nandito lang pala siya at naka upo.

"Excuse po ma'am" sabi ko sabay lapit sa kanya, tumingin naman siya saakin "Ipa pass ko lang po sana itong assignment ko"

"Sige ngayon tatanggapin ko 'yan, pero sa susunod na mangyari ito zero ka na kaagad. Iwasan niyo ang pagiging tamad, sige na makaka labas ka na." malumanay na sabi niya pero ramdam ang awtoridad sa bawat salita na binanggit niya.

The 3 DetectivesWhere stories live. Discover now