T3D - Chapter 31

1K 34 3
                                    

Alexy Tan PoV

Sabado na ngayon kaya pupunta kaming mall tatlo, hindi na muna namin sasama sina CR. Para lang makapag solo kami tsaka mamimili lang naman kami ng mga stock sa dorm tsaka mga gamit narin.

Papunta na kami sa parking lot ng school, naka bukas narin naman 'yung gate dahil weekend ngayon. Pumasok na kami sa kotse ko at nagdrive papuntang mall.

Ilang minuto ang tinagal ng biyahe namin bago nakarating sa parking lot ng mall, nag park na'ko at pumasok na kami sa mall. Agad kaming pumunta sa marketplace at kumuha push cart.

Kumuha kami ng mga canned goods, meats, drinks, snacks, condiments at mga toiletries. Plano din namin ayusin 'yung dorm para mag iba naman, maglalagay din kami ng mga pictures namin.

Kumuha din ako ng mga skin care products tsaka namili nadin kami ng gamit sa pagluluto tsaka mga bagong damit.

Namili narin ako ng mga damit para sa mga batang pupuntahan namin sa Tuesday, palagi ko silang kalaro noong pumupunta kami nina mommy at Daddy don. Sinasama rin namin si Tantan doon. 'Yun rin 'yung charity kung saan binigay namin 'yung napanalunan namin nung sa underground.

"Kain tayo mamaya" aya ko. Nakapila kami ngayon sa counter.

"Sige, mag aala una na rin" si Yanyan.

Pagkatapos namin ay dumiretso kami sa isang fast food restaurant, naka cart naman ang mga pinamili namin kaya hindi kami mahihirapang magdala.

Nag order kami at nagsimula ng kumain.

"Ayusin na natin 'yung dorm pagka uwi" sabi ni Arah habang kumakain.

"Oo, wala naman rin tayong gagawin pagka uwi" sang ayon ni Yanyan.

Pagkatapos naming kumain ay nagpa spa pa muna kami at lumabas na ng mall para bumalik sa school.

Kinuha namin ang mga pinamili namin sa kotse ko at naglakad para dalhin ang mga 'yun sa dorm.

"Ang bigat naman" inis na sabi ko.

"Hoy Lexy, hindi lang ikaw ang nabibigatan kaya wag kang magreklamo dyan" ganti ni Arah, hayss.

Pinagtitinginan rin kami ng ibang estudyanteng nadadaanan namin dahil sa dami ba naman ng mga dala namin, napaka bigat pa.

Nakita ko ang mga B3 na naglalakad pasalubong sa linalakaran namin, as usual pa cool nanaman sila.

Nang magka salubong kami tumigil si Waine kaya tumigil din kami, tinignan muna nila kami at tinignan ang mga dala namin. Please Waine sana sapian ka ng kabaitan kahit ngayon nalang para tulongan niyo kami.

Pagkatapos akong tignan ni Waine ay tumingin siya sa sapatos niya at umupo.

"Wait lang naalis sintas ko" sabi niya kina Gray at Haarsha kaya napatingin sila sakanya. Sana tulungan nila kami. Pero tang ina mo pa rin Waine!

Pagkatapos ay tinignan na naman nila kami ulit. "Tinitingin tingin niyo?" Tanong ni Gray at nagtaas ng kilay.

"Kaya nga, hindi ba kayo nabibigatan?" Tanong ni Waine, ayun sinasapian na ata.

"Mabigat nga eh" sagot ni Arah.

"Eh bakit hindi pa kayo maglakad ulit? Mabigat pala, anong hinihintay niyo?" Si Waine, nata uhan ako don kala ko naman tutulungan nila kami. Naka limutan kong mga mayayabang pala ang mga toh.

"Paki alam niyo ba? Tss, tara na nga." Sabi ni Arah, tinignan ko muna sila ng masama.

"Tara na" yaya ni Yanyan, magsisimula na sana kaming maglakad ng hablutin nila ang mga dala namin at dere diretsong naglakad sa dinadaanan namin.

The 3 DetectivesWhere stories live. Discover now