T3D - Chapter 16

1.7K 55 0
                                    

Sorry po kung natagalan kami mag update🙇

_____

Alexy Tan PoV

Nandito kaming tatlo sa guest room, tulog na silang dalawa samantalang ako ay nakatulala lang dahil hindi ako makatulog sa kalikutan ng katabi kong si Arah. Marami naman silang guest room pero ayaw talaga naming magkahiwalay tatlo. I mean sila lang pala.

Tabi tabi kami sa iisang kama. Nasa gitna si Arah, sa may left side ako tapos sa right side naman si Yan. Naka yakap saakin si Arah tapos nakadantay pa kaya naka steady lang ako baka magising pa siya. Hayss. Ako pa talaga nag a-adjust.

Buti pa nga si Yanyan mahimbing na siyang nakakatulog. Isama mo pa dahil namamahay ako, hindi talaga ako sanay na may katabing matulog at makitulog, maarte na kung maarte. Duh.

Wahhh, oras na maaga pa kaming gigising bukas. Hindi pwedeng wala akong tulog kasi hindi ako makakapag isip ng maayos, magiging parang lutang ako ganun.

Gumalaw si Arah at nawala ang pagkakayakap at dantay niya saakin pero nasipa niya pa ako. Hays, ngayon naman yung unan na yung yakap niya.

I'm getting annoyed at her. Takpan ko kaya ang mukha niya ng unan?

Tumingin ako sa lamesa kung saan naka lagay ang cellphone ko at inabot 'yun, baka sakaling antukin ako at makatulog ako.

12:00 am na pala.

Nag facebook muna ako. Scroll up at scroll down lang ako, 'nung nag sawa ako pumunta naman ako sa messages ko.

Biglang nag lag ang phone ko at dahil naiinis ako ay nagpipindot pa rin ako. But I froze ng maalis ang lag at may mapindot na akong isang message.

'Bakit sa lahat lahat ito pa? Bakit kailangan 'kong masaktan ng ganito sa isang ala alang 'to? Bakit hanggang ngayon hindi pa ako nakaka move on? Ang daming iba Lexy bakit hanggang ngayon siya pa rin? Bakit siya lang? Bakit siya pa rin? Bakit? Bakit? Ganun ba ako ka loyal para hindi siya makalimutan?'

'For pete's sake Alexy, it's been 1 year, ako yung talo, ako yung nasaktan, ako yung linoko, bakit saakin lahat ng sakit? Bakit sa lahat ng mapipindot ko 'yung message niya pa? Bakit 'yung kay Nathan pa? Bakit 'yung sa first love ko pa, and first heartbreak?'

And why am I even crying? He's not worth it.

Pinower off ko yung cellphone ko at pinatong ito sa lamesa. Bumaba muna ako pa punta sa kitchen para uminom ng tubig.

Hindi na ako nag abalang buksan 'yung ilaw dahil nakikita ko pa rin naman 'yung daan dahil sa ilaw na nag mumula sa bintana, binuksan ko 'yung pinto ng refrigerator nila Zach at kumuha ng malamig na tubig sabay salin sa isang baso. Umiiyak pa rin ako hanggang ngayon.

Umupo muna ako sa kitchen stool. Yumuko ako at nag patuloy sa pag iyak. Sigurado akong mamamaga niyan mata ko. Tumingala ako at tumingin sa wall clock. 1:30 am na pala.

Bakit ba ang bilis ng oras???

"Sinong--" nagulat ako ng biglang bumukas 'yung ilaw "Lexy? Anong ginagawa mo diyan? Bakit ka umiiyak?" May pag aalalang tanong ni Zach.

"H-Ha?? Wala 'to." Ngumiti ako at pinunasan ang luha ko. "Bakit gising ka pa?" Tanong ko pero tumitig lang siya sakin.

"Tell me, may nangyari ba, Lexy?" Seryosong tanong niya.

"Wala nga, may naalala lang ako." Pumeke ako ng ngiti at ilinibot ang paningin sa kitchen nila. "May stock ka bang alak dito?" Tanong ko.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon