T3D - Chapter 38

918 27 3
                                    

Gray Richard Solomon PoV

Nandito na kami ngayon sa harap ng SSG hinihintay namin sila Arah, ang awkward nga dahil ni isa ay walang nag sasalita saamin, gaya ng pinag usapan ay naka all black kami.

'Yung original na plano ay magkikita kita kami sa dorm nila Arah, kaso madami pa kaming tinapos kaya napagpasyahan nalang namin na dito nalang sa harap ng SSG room. Medyo matatagalan din kasi kung pupunta pa kami sa dorm nila, kaya sinuggest nalang namin na dito nalang tsaka baka may teacher pa na makakita samin sa dorm.

Ilang sandali pa ang lumipas at wala pa sila Arah, na miss ko itong pag te training namin, dati kasi kasa kasama nila ako. Palagi ko siyang tinuturuan ng techniques ko, miss ko na 'yung dati, 'yung dati na hindi na muling mai babalik.

"Zach, itext mo na nga sila Sadi nag aalala ako sa kanila eh." Utos ni Raven sakanya tapos nag text naman siya habang ngumi ngiti ngiti pa, 'tss parang timang' pero okay naman ako kahit sakanya na ipina pakita si Arah 'yung sweetness na dating saakin. Masaya ako na masaya na si Arah, masaya ako para kay Arah, sana dumating 'yung araw na sumaya din ako.

"Papunta na daw sila Raven" sabi ni Zach, pag katapos nun namayani nanaman ang katahimikan saamin. Ilang minuto pa ay dumating na sila, pinag usapan na namin 'yung plano para maka labas ng gate, hindi pa kasi namin na che check kung sinong bantay sa gate ngayon, minsan kasi masungit 'yung nag babantay dun na konting ano lang nag re report na agad.

"So pupunta muna tayo sa gilid ng principals room?" Tanong ni Arah.

"'Yung kalahati sa atin pupunta dun tapos yung kalahati mag aabang dun sa eskinita malapit sa gate. Siguraduhin niyong hindi kayo mahuhuli ha? I te text nalang kita Haarsha pagka napatay na 'yung CCTV tapos diskartehan mo na 'yung guard." Sabi ko sa kanila "sila Sarah, Waine, at Alexy saakin sasama, tapos sina Rhian, Jacob, Charles at Zach mag aabang sa eskinita, si Haarsha naman ang didiskarte sa guard, okay?"

"Alright"

"Okay"

"Osige" sagot naman nila.

Nag hiwalay na kami ng daan dahil medyo makipot 'yung daan dito katabi ko si Arah tapos mag katabi sina Alexy at Waine sa likod na nag aasaran pa hahaha loko talaga si Waine dinaig pa babae, halatang kinikilig siya pero dinadaan niya sa kalokohan. Si Alexy naman asar na asar kay Waine tapos si Arah pa cellphone-cellphone lang tsk kachat yata si Zach.

"Ahm Arah, pwede bang wag ka munang mag cellphone, baka kasi may maka kita na guard sa atin tapos makita 'yung liwanag na nag mumula cellphone mo" sabi ko sa kanya, alam kong lame 'yung ginawa kong excuse pero sana naman sundin niya.

"Eh? O-kay, sorry" sabi niya narinig ko namang bumulong si Waine na nasa likod ko ng 'OA' gago talaga 'to, hindi nalang kaya mag enjoy kay Lexy.

Pinakikiramdaman din namin 'yung paligid namin kasi baka may sumusunod saamin at malaman pa 'yung plano namin.

Nang makarating kami sa room sa gilid ng principals office nag tago muna kami, may nag babantay kasi, sinilip ko 'yung nag babantay at nang nakumpirma kong tulog na ito ay dahan dahan na pumasok ako sa loob at mabilis na pinatay 'yun, pag ka labas ko ay tinext ko na agad ni Haarsha.

To: Haarsha
Napatay ko na yung CCTV dyan.

Hindi ko na hinintay na mag reply siya kasi palagi namang walang load 'yun pagka may pasok na. Wala kasi siyang text mate eh pati ako wala pero naka registere naman kasi 'yung load ko, si Haarsha walang hilig sa gadgets mas inuuna kasi niya 'yung importante gaya ng pag aaral.

The 3 DetectivesWhere stories live. Discover now