T3D - Chapter 36

852 23 4
                                    

Someone's PoV

Akala ko madali lang makuha itong ex nerdy na 'to tapos nanlaban pa, 'yung ugok kong kasama naman hindi dumating sa tamang oras na pinag usapan namin tss.

Nag iwan na ako ng clue duon sa tabi ng dorm nila, dumayo pa ako dun para mag iwan ng clue eh hahaha, hindi ako 'yung dumukot kina Sarah at Alexy nun, pero gaya ng ginawa sa kanila ay si Boss din ang mag papahirap dito kay Rhian Yu Delacruz. Saktong umuulan ngayon kaya mahihirapan silang mag hanap dito, kasalukuyan akong nag lalakad ngayon buhat buhat si Rhian na walang malay.

Pagkadating sa kina roroonan ni Boss ay tinali na namin si Rhian, "Napaka amo naman ng mukha ni Rhian hahahaha ang sarap patayin"

"Tutuluyan mo na ba 'yan Boss?" Tanong ko sa kanya.

"Tigilan mo ko sa kaka Boss mo na 'yan, papatayin ko silang sabay sabay sa tamang panahon, sa ngayon makikipag laro muna ako sa kanila" pumalibot sa buong lugar ang mala demonyong halakhak niya, 'yung iba kong kasama ay naka yuko lang, nakakatakot kasing magalit si Boss baka patayin pa kami neto.

Sarah Lopez PoV

Mag te thirty minutes na mula nung bumili si Yan yan pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Kanina sabi ni Lexy baka daw natagalan lang pero hindi eh, mag ka kalahating oras na at hindi ko mapigilang mag alala. Wala kasi kaming payong dito, 'yung dala ni Yan yan, 'yun lang 'yung tanging payong namin na maayos, sira kasi 'yung payong ko tapos si Lexy naman naiwan niya daw kahapon sa kung saan man 'yung payong niya.

"Lexy, tara na sundan na natin si Yan yan, mag ka kalahating oras na siyang wala oh" pag aaya ko kay Lexy.

"Wait subukan ko siyang tawagan, delikado din kasing lumabas eh, dapat talaga sinamahan na natin siya kanina" sabi niya sabay dial sa phone number ni Yan yan pero saktong pag ka dial niya ay may nag vibrate sa upuan at kung mamalasin nga naman, naiwan ni Yan yan dito sa dorm 'yung cellphone niya, paano niyan? "Putek ba't naiwan niya 'yung cellphone niya dito? Tara na Arah sumugod na tayo sa ulan."

Tumayo na kaming dalawa, pagka labas ng dorm ay kakaripas na dapat kami sa takbo kaso may nakita akong box sa tabi ng dorm namin "Wait lang Lexy, may box oh"

Agad naming kinuha 'yung maliit box at binasa 'yon. 'Hi Sarah Lee Lopez and Alexy Tan' 'yan 'yung naka lagay sa taas ng box kaya nasigurado na namin na para saamin ito, hindi ko maiwasang hindi kabahan habang binubuksan namin 'yung box.

"May sulat!" Sabi ni Lexy agad niya itong kinuha at binasa.

'Wag kayong mag alala pag lu LUTO lang kami ng kaibigan niyo pero pagka nag matigas siya ay siya nalang ang ilu LUTO namin'

'Yan 'yung naka lagay sa sulat.

"N-nasa panganib si Yan yan" 'yan lang 'yung tanging nasabi ko dahil sa pag kagulat.

"Kailangan natin siyang mahanap sa lalong madaling panahon." Sabi ni Lexy. "Pero saan?"

"I think parepareho lang 'yung mga clue na binibigay, tignan mo 'yung 'luto' 'yan lang 'yung naka capitalized."

"Luto. Sa kusina."

"'Yung common na lugar sa pagluluto"

"Ah i know, sa HRM lab. Dali!"

The 3 DetectivesWhere stories live. Discover now