T3D - Chapter 32

1K 27 3
                                    

Dedicated to: imcutestpanda Thank you for supporting our story!!

-----

Rhian Dela Cruz PoV

Ngayon 'yung alis namin papunta sa isang orphanage sa Pangasinan kaya alas 4 palang ng umaga ay gising na ako para mag luto, 'yung dalawa naman tulog pa, maliligo na muna ako habang naka salang pa 'yung kanin. Nag pakulo na din ako ng tubig mag wi whistle naman 'yung pot pagka kumukulo na yung tubig eh tsaka hindi naman ako kasing tagal maligo ni Arah.

Hinanda ko na 'yung damit ko pati towel tapos ay naligo na ako saktong pagka tapos kong mag bihis ay kumukulo na 'yung tubig kaya pinatay ko na 'yung stove tapos nag timpla ako ng kape. Gigisingin ko na muna si Arah dahil matagal maligo 'yun mamayang 8 daw nag kikita kita kami sa harap ng principal office kasama 'yung ibang sasama sa Pangasinan.

"Arah?" 4:30 na at isang oras kung maligo itong babaeng 'to kaya kailangan niya na talagang gumising. "Gumising kana para makaligo kana."

Binuksan na niya 'yung mata niya at tumayo na siya "Sige Yan, tiklupin ko na muna itong kumot ko."

Tinanguan ko lang siya at lumabas na, mamaya maya ay lumabas din si Arah sa kwarto at naligo na siya habang ako naman ay nag luluto ng almusal namin. Pagka tapos mag luto ay hinain ko na sa lamesa 'yung kanin at ulam tapos umupo muna ako at inubos ko na 'yung kape ko, inaantok pa'ko hays matutulog nalang ako sa bus mamaya sa dulo na ako pu pwesto para hindi gaanong maingay kase halos sa harap niyan pu pwesto 'yung iba eh dalawang bus yata 'yung sasakyan papunta dun sa Panggasinan. Yung unang bus iilang teachers pati mga SSG yata tapos sa kabila 'yung students pati siguro teachers kasi para may mag babantay sa students.

Napatingin ako sa cellphone ko nang narinig kong mag ring ito, kinuha ko 'yung cellphone ko at nakita na may tumatawag pala kaya sinagot ko ito nang naka ngiti.

"Hello? Yan yan? Good morning" napangiti ako lalo ng marinig ko ang husky voice ni Jacob, kakagising lang siguro nito.

"Good morning Jacob, aga mong gising ah?"

"Syempre, ngayon alis niyo papuntang Pangasinan di'ba?" Tanong niya, ay oo nga pala hindi sila makakasama nila Zach at Charles kasi hindi sila naka pag palista, mas masaya sana kung kasama si Jacob-- i mean sila kasama si Charles at Zach.

"Oo, sayang hindi kayo kasama." Upset na sabi ko sayang talaga.

"Kaya nga eh, ingat ka doon Yan yan ko ah? Nag try kaming mag pa lista duon sa SSG President na si Haarsha kaso sabi nung John Waine Park tsaka Gray Solomon bawal na daw, ewan. Hindi ko maintindihan 'yung dalawang 'yun parang may galit saamin-- kila Zach at Raven to be specific kase ang sama ng tingin nila eh." Saad niya, eh? Ano kayang problema nung mga 'yun?

"Hayaan mo na 'yung mga 'yun, sige mag iingat ako" sabi ko "para sayo"

"Ha? May binulong ka ba Yan?" Buti hindi narinig 'yung 'para sayo' nakakahiya naman.

"Ha? Wala wala, ikaw din ingat din kayo palagi."

"Sige mag text ka pag kadating niyo duon ah? Ingat ka Yan I lo---" hindi na niya natuloy 'yung sasabihin niya kase naputol 'yung line, ano 'yung sinasabi kaya niya? Hindi ko naintindihan eh kase medyo choppy kasi eh. Pero napangiti nalang ako, ang aga aga eh pinapasaya ako ni Jacob, huy wag kayo ma issue ah? Hindi ko siya gusto, siguro crush lang kase ang bait niya tapos ewan basta crush ko siya.

"Hoy Yan yan? Naa aning ka na ba? Anong ngini ngiti ngiti mo dyan? Ikaw ah?" nagulat ako ng biglang nag salita si Arah sa likod ko.

"A-ah? W-wala hehe may naalala lang." Sabi ko.

The 3 DetectivesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum